Poodle moth, napakalaking insekto na hugis na parang si Satanas?!

Taong 2009 nang madiskubre sa Venezuela ang isang kakaibang insekto na ito na kung tawagin nila ngayon ay “Poodle moth”. Mayroon itong malalaki at tila lumuluwang mga mata.

Mayroon din silang putting katawan at dalawang mahahabang sungay o antennae. Sila ay isa lamang sa maraming species ng moth sa mundo.

Nadiskubre sila ni Dr. Arthur Anker of Bishkek mula sa Kyrgyzstan noong 2009 sa Gran Sabana sa rehiyon ng Venezuela. Nakapukaw sa atensyon ng maami ang kakaibang hitsura ng mga ito.

Para bang modelo sila ng mga “aliens”. Ngunit para din naman silang poodle dahil sa balahibo na nasa kanilang ulo, dibdib, tiyan, at pakpak. Isang “real-life pokemon” din ang turing ng karamihan sa mga ito.

Kahit pa mukha silang mga laruan ay hindi mo gugustuhing laruin sila. Dahil ayon sa ilang mga tala, ang mga katulad nila ay itinuturing na isa sa “25 most feared animals on the planet” dahil na rin sa napakalaki at luwa nilang mga mata.

Marami din naman ang nakapansin na may pagkakahawig ang mga ito sa sungay ni Satanas. Kung kaya naman talagang nagdudulot din sila ng kilabot sa marami.


Ayon rin sa ilang mga ulat, dapat mag-ingat ang publiko sa kanila dahil kadalasan ay may lason sa kanilang mga pakpak na maaaring magdulot ng “skin irritation”. Ito rin ang nagsisilbi nilang proteksiyon mula sa mga hayop na maaaring kumain sa kanila.

Tunay nga na napakarami pa ring hayop at halaman ang hindi nadidiskubre ng mga tao. Nakakatuwang malaman na hanggang sa ngayon ay marami pa rin tayong dapat tuklasin at saliksikin.

Ang pag-aaral sa mga halaman at sa mga hayop sa ating planeta ay walang katapusan. Kung kaya naman tayo bilang mga taong tagapag-alaga nila ay mas maging responsable sana sa bawat kinikilos at ginagawa natin.

Dahil sa ngayon ay tiyak na mas marami pa ang maaari nating matuklasanm na mga kakaibang uri ng halaman at hayop.