Pitbull, iniligtas ang isang batang naiwanan sa bahay na malapit nang masunog!

Hindi na bago sa maraming mga Pilipino ang pagkakaroon ng mga alagang aso at pusa. Talaga namang nakakabawas sila ng stress at kalungkutan.

Kung kaya naman talagang marami ang nag-aalaga ng mga ito kahit pa nga medyo magastos ang pag-aalaga ng mga hayop. Kailangang pagtuunan ng pansin ang kanilang pagkain, bitamina, pagkonsulta sa doktor at marami pang iba.

Marahil kung pipili tayo ng aso at pusang aalagaan, tinitiyak natin na magiging masaya rin at ligtas ang ating mga kasama sa bahay, hindi ba? Ngunit nitong mga nagdaang taon ay hindi na rin naman lingid sa ating kaalaman ang aksidenteng pagkagat o di kaya naman ay paglapa ng ilang breed ng aso sa kanilang mga amo.

Isa na sa mga ito ang breed ng mga pitbull. Ito marahil ang isa sa dahilan kung bakit marami-rami din sa atin ang hindi panatag sa pagkakaroon ng alagang pitbull.

Ngunit alam ba ninyo na hindi naman lahat ng asong tulad ng pitbull ay may dulot na kapahamakan sa ibang tao. Sa katotohanan, kamakailan lamang ay marami ang nagulat nang mapabalita ang isang pitbull na nagligtas sa isang bata sa loob ng nasusunog na bahay.

Si Sasha ay walong buwang gulang na pitbull na pagmamay-ari ni Nana Chaichanhda mula sa Stockton, California. Mayroon siyang anak na babae na si Masailah.

Tulad ng ibang mga magulang, natakot at nangamba rin siya noon sa kaligtasan ng kaniyang anak dahil sa ilang mga balita patungkol sa mga pitbull ngunit kalaunan ay napansin naman niyang napamahal na rin si Sasha kay Masailah ay hindi ito magiging panganib para sa kaniyang anak. Napansin niyang naging malapit ang dalawa sa isa’t-isa, kahit nga sa pagligo ay talagang magkasabay pa sila.

Madalas ay sa loob ng bahay natutulog si Sasha ngunit mayroon din namang mga pagkakataong sa labas ito natutulog lalo na kung hindi naman malamig. Isang gabi ay talagang hindi tumitigil ng pagtahol si Sasha, pilit na kinukuha ang atensyon ni Nana.

Yun pala ay nasusunog na ang katabi nilang apartment. Nang masaksihan ito ni Nana ay agad niyang binuhat ang kaniyang anak at lumikas na sila kasama si Sasha.

Laking pasasalamat nila dahil nakaligtas silang mag-anak mula sa tiyak na kapahamakan sa tulong na rin ng alaga nilang aso na si Sasha.