Pinakapanget na unggoy sa buong mundo na mayroong sabi sabi na nakapagdudulot daw ng malas sa mga makakakita dito!

Marahil dahil sa hindi magandang hitsura ng “Aye-aye monkey” kung kaya naikabit sa kanilang lahi ang kamalasan. Nakakalungkot din na marami pa rin ang nanghuhuli at pumapatay sa kanila ngayon.

Ang isla ng Madagascar ay kilala rin bilang “land forgotten by time”. Ito ang dahilan kung bakit napakaraming kakaiba at pambihirang mga halaman at mga hayop na matatagpuan dito.

Halos 75% nga sa mga ito ay dito lamang makikita at wala na sa kahit saang sulok ng mundo. Kilala ang isla na ito sa mga “primates” na endemic dito.

Halimbawa na lamang ang “Aye-aye monkey”. Ang isang tipikal na uri nito ay mayroong timbang na 3 kilo at mayroong haba na 40 cm.

Mayroon din silang mabalahibo at mahabang buntot. Ang kanilang katawan ay nababalot ng mahahaba, makapal, at “dark brown” na balahibo.

Sa mga nakakatandang “Aye-aye monkey”, ang kanilang mga tainga ay katulad ng mga tainga ng paniki. Ang kanilang mga mata naman ay malalaki at bilog na bilog.

Alam n’yo bang mga uri ng unggoy na ito ay mayroong katulad na ninuno ng mga unggoy, “apes”, at nating mga tao. Naninirahan sila sa butas ng mga puno mag-isa at minsan naman ay grupo.

Hindi sila tulad ng ibang uri ng mga unggoy na tumatalon at kumakapit sa mga puno bagkus ay naglalakad lamang sila sa lupa. Tulog sila buong araw at aktibo naman tuwing gabi.

Wala silang “breeding season” kung kaya naman maaari silang manganak kung kailan nila gusto. Ngunit nasa dalawa hanggang tatlong anak lamang ang maaari nilang maging supling sa loob ng isang taon.

Ang kanilang buhay ay tumatagal lamang ng sampung taon. Nalalapit nang tuluyang maubos ang kanilang lahi dahil sa “deforestation” at dahil na rin sa mga sabi-sabi na magiging malas ang sinumang makakakita sa kanila.

Kung kaya naman sa tuwing may nakikitang hayop katulad nila ay agad silang pinapatay ng mga taga-roon.