Pinakamalaking “quartz crystal cluster” sa buong mundo, pumukaw sa atensyon ng publiko!

Noon pa man ay talagang marami na ang nagnanais na maghukay at makadiskubre ng mga bato at iba pang mga mamahaling kayamanan sa ilalim ng lupa. Totoo ng nga kasi na kayang-kayang baguhin ng kahit isang munting bato lamang ang ating buhay.

Kung kaya naman hindi na rin nakapagtataka na marami ang nagkakaroon ng interes sa industriyang ito. Kahit ang ilang mga manggagawa ay hindi na rin nagdadalawang-isip o nangangamba sa kanilang kaligtasan dahil sa pagkakataon na maaari silang makadiskubre ng isang pambihira at kakaibang bato, mineral, o kaya naman ay kayamanan.

Tulad na lamang ng nakakamanghang dambuhalang “quartz crystal cluster” na ito na itinuturing na pinakamalaki sa buong mundo. Namangha ang publiko dahil sa napakalaki talaga nito na halos mas malaki pa sa tao!

Umani ng paghanga mula sa publiko ang naturang dambuhalang bato na ngayon ay maaari na ring masilayan ng publiko. Maaaring masilayan ng publiko ang pinakamalaking “quartz crystal cluster” sa buong mundo sa Crystal gallery, Swakopmund, Namibia.

Taong 1985 nang ito ay matagpuan sa isang kweba sa Otjua mine malapit sa Karibib sa Namibia na mayroong lalim na 45 metro. Mayroon naman itong timbang na 14,100 kilo at halos tatlong taon din ang inabot bago ito tuluyang mahukay.

Quartz ang isa sa pinaka-pangkaraniwang mineral na matatagpuan sa crust ng ating mundo. Masasabing ito ay purong quartz kung ito ay walang kulay, naaaninag, at sobrang tigas.
Ang Kristall Gallerie ay matatagpuan malapit sa Tobias Hainyeko at Theo-Ben Gurirab Avenue sa Swakopmund, Namibia. Sadyang napakapalad nating mga tao dahil marami tayong mga ganitong klase ng yaman.

Hindi lamang yamang-lupa kundi maging yamang-tubig na rin. Kung kaya naman dapat ay matuto talaga tayong maging responsable sa lahat ng ating ginagawa dahil nasa sa atin din ang pamamaraan at solusyon upang mapangalagaan at maingatan natin ang mga yaman nating ito.