Pinakamalaking pink diamond sa loob ng 300 taon ay natagpuan na!

Natagpuan sa Angola ang pinakamalaking 170 carat diamond. Ito na raw ang pinakamalaking gemstone na natagpuan sa loob ng 300 taon!

Tinawag itong “Lulu Rose” dahil natagpuan ito sa Lulo alluvial diamond mine sa Lunda Norte region ng Angola. Ayon na rin sa may-ari ng minahan na Lucapa Diamond Company.

“Only one in 10,000 diamonds is coloured pink. So you’re certainly looking at a very rare article when you find a very large pink diamond,” Pahayag ng chief executive ng Lucapa na si Stephen Wetherall.

Inaasahan na malaking halaga ang katumbas nito sa auction ngunit sa ngayon ay hindi pa nila batid kung magkano ang magiging halaga nito dahil na rin sa kulay nito. Muka pa noong 2015 ay nakadiskubre na ng 27 diamond na mayroong higit sa 100 carats ang Lulu mining project.

Tulad na lamang ng 404-carat “4th February Stone,” na naibenta nila sa halagang US$16 million noong 2016. Ang Lulu Rose ang ikalima sa pinakamalaking diamond na nadiskubre sa Lulo kung kaya naman tiyak na mas magiging mataas ang presyo nito.

Bihira ang mga pink diamond at ayon na rin sa mga siyentipiko ay hindi pa rin nadidiskubre ang dahilan kung bakit “rosy” ang kulay ng mga diamond na ito. Samantala, nakadiskubre naman ang mga minero ng South Africa noong 1999 ng isang pink diamond na tinawag nilang “The Pink Star”.


Naibenta naman ito sa isang auction sa halagang US$83 million, ito ang pinakamahal na gemstone na naibenta sa kasaysayan. Maging ang “Lulu Rose” ay kakailanganin ding iproseso kung kaya naman tiyak na bababa pa raw ang halaga nito ayon sa ilang mga ulat.

Mula pa noong 2500 BCE ay nangongolekta at nangangalakal na tayo ng mga diamond ayon sa nauna nang mga ulat. Talaga naman kasing napakaganda ng mga batong ito. Kung kaya naman marami din ang nagkakainteres na bumili at mangolekta ng mga ito.