Nanay na 23 taong gulang pa lamang, tila isang super mom dahil kaya niyang alagaan nang sabay-sabay ang kaniyang 11mga anak!

Ang pagiging isang ina ay talaga namang isang himala mula sa Diyos. Sinong mag-aakala na ang ating katawan ay mayroon palang kakayahan na magdala ng buhay sa loob ng siyam na buwan?

Maging sa panganganak ay talagang kahimalaan din ang ipinakikita ng Diyos dahil binibigyan Niya ng lakas ng loob ang mga nanay na maisilang ng maluwalhati at ligtas ang kanilang mga anak. Kung marami sa atin ang nagnanais lamang ng dalawa o tatlong mga anak, mayroong isang mag-asawa sa Russia na gustong magkaroon ng 105 mga biological na anak!

Talaga namang nakakagulat ito ngunit sa ngayon ay isinasagawa na nila ang mga prosesong kailangan nilang pagdaanan upang makamit ang kanilang inaasam. Ayon sa ilang mga ulat, unang isinilang ang panganay nilang anak Marso 2020 at ang bunso naman nilang anak ay Enero 2021.

Ang kanilang mga anak ay nagmula sa kanila “genetically” at ipinagbuntis ng iba o mas kilala natin ngayon bilang mga surrogate mothers. Nilinaw din ni Christina na sa isang clinic sila sa Butami nakikipag-ugnayan kung kailangan nila ng surrogate mother.


Hindi talaga sila personal na nakikipag-usap sa mga ito upang maiwasan ang problema pagkatapos ng kanilang usapan. Hindi rin daw sila titigil ngayon mayroon na silang sampung anak dahil mas nais talaga ang mas maraming anak.

Plano sana nilang mag-asawa na taon taon na lang magbuntis si Christina ngunit hindi niya ito kakayanin kung kaya naman mas minabuti na lamang nilang gawin ang prosesong ito. Mayroon din siyang anak sa pagkadalaga na tinanggap naman ng kaniyang asawa.

Kahit pa nga marami na ang kanilang mga anak ay hindi pumapayag si Christina na hindi siya hands-on sa mga ito mula sa pagkain na kanilang kinakain hanggang sa mga libro na kanilang babasahin. Talaga namang maituturing na supermom si Christina dahil sa kaniyang edad na 23 pa lamang ay mayroon na siyang 11 mga anak na pinupuno niya ng pagmamahal at pag-aaruga katuwang ang kaniyang asawa.