Nakakatuwang mga larawan na nakuhanan sa perpektong pagkakataon, kinagiliwan ng mga netizens!

Sa panahon natin ngayon na talaga namang napakarami na ang gumagamit ng iba’t-ibang klase ng social media platform, marami na rin ang mga taong gamay ang pagkuha at pagpo-post ng mga larawan nila online. Kamakailan lamang ay marami ang natuwa sa mga larawang ito na talagang mapapatingin kang muli upang siguraduhing malinaw pa ang iyong paningin.

Una na sa mga larawang ito ang isang babaeng nakasakay sa ostrich. Kapag tiningnan nating mabuti ay para bang iisa ang ulo ng higanteng ibon at ng babaeng nakasakay rito.

Nakakapanindig-balahibo naman ang larawan ng babaeng ito para sa araw ng kasal ng kaniyang kaibigan. Aakalain mo kasing sinasapian ito dahil sa kaniyang mga mata.

Marami din ang natuwa ng masilayan ang larawan na ito ng isang lalaking maitim ngunit mayroong makinis at maputing binti habang nanunuod ng telebisyon? Marahil ay katabi niya kasi ang kaniyang nobya o ang kaniyang asawa sa kanilang sofa kung kaya naman mayroong ganitong binti sa larawan.

Nakakatakot naman para sa mga football fanatics at maging sa mga magulang ang makakita ng ganitong klase ng larawan. Makikita kasi sa audience ang isang batang nakaputi na muntik-muntikan na talagang matamaan ng baseball bat sa mukha!

Buti na lamang at sinalo ito ng lalaking katabi niya na maaaring kaniyang ama, tito, o kapatid. Naging palaisipan din naman sa publiko ang kabayong ito na para bang nagluluwa ng isa pang kabayo!


Yun pala ay katabi lamang niya ang kabayong ito at nasakto sa pagbuka niya ng kaniyang bibig. Bata pa lamang tayo ay talagang namamangha na tayo sa mga lumilipad na bagay sa himpapawid, hindi ba?

Halimbawa na lamang ang mga saranggola o di kaya naman ay mga eroplano. Ngunit nakakamangha talaga ang kuha ng isang photographer na ito sa isang rocket na nasa gitna ng kaulapan.

May isang pagkakataon pa nga kung saan nakuhanan din ng larawan ang kotse na mayroong disensyong flintstones habang nanunuod din ng flintstones ang may-ari ng bahay.