Nahukay ang bagay na ito sa isang nire-renovate na bahay na 140 taon na pala ang tanda!

Napakarami na nating nararanasan at nasasaksihang mga misteryo sa araw-araw. Talaga namang marami dito ang nakakamangha at nakakabilib ngunit mas marami din naman ang nakakapangilabot.

Paano nga kaya kung dumating ang araw na mayroon kang matuklasan tungkol sa inyong tahanan? Makalipas ang ilang taong paninirahan dito ay bigla na lamang mayroong mahuhukay dito na isang luma at matandang bagay.

Tulad na lamang nang natuklasan ng isang pamilya na ito sa ilalim mismo ng kanilang tahanan! Marami ang kinilabutan patungkol sa kwento ni Ericka Karner na mula sa California.

Nagdesisyon daw kasi silang ipa-renovate ang kanilang tahanan ngunit hindi nila inaasahang mayroon palang nakabaon ditto na 140 taong gulang na ang tanda! Habang hinuhukay ng ilang mga manggagawa ang kanilang sementadong sahig ay mayroong maliit na kabaong na natagpuan ang mga ito.

Sa loob ng kabaong na ito ay mayroong katawan ng isang sanggol. Noong una ay talagang gulat na gulat ang pamilya ni Erika ngunit kalaunan ay sinikap din nilang malaman ang misteryo sa likod ng munting kabaong na ito.

Pinanganalan muna nila ang batang ito na si Miranda habang hindi pa nila nalalaman ang tunay niyang pagkatao. Ayon sa nakalap nilang impormasyon makalipas ang isang taon ay nalaman nilang ang labi pala na ito ay mula sa batang si Edith Howard Cook.
Kinumpirma mismo ito ng non-profit organization na Garden of Innocence. Ang batang si Edith ay dalawang taon at sampung gulang lamang nang siya ay nasawi dahil sa “malnourishment”.

Kinumpirma din ito ng isang DNA test. Ang lupang kinatatayuan pala ng bahay nina Ericka ay isang dating sementeryo, ang Odd Fellows Cemetery. Taong 1930’s nang inilipat sa ibang lugar ang mga labi na naroroon ngunit naiwanan pala ang mga labi ni Edith.

Tunay nga na masyado pang bata si Edith nang ito ay nasawi ngunit makalipas ang 140 taon ay natagpuan siyang muli upang mailibing sa isang maayos na libingan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *