Misteryosong butas sa seafloor ng karagatan, nagsilbing palaisipan sa mga siyentipiko!

Nakadiskubre ang mga siyentipiko ng ilang mga misteryosong butas sa Atlantic Ocean floor at nagdesisyon silang tanungin ang mga netizen o “internet users” upang ibahagi ang kanilang teyorya kung saan nga ba nagmula ang mga ito. Ibinahagi nila ito sa kanilang mga followers sa social media platforms na Twitter at Facebook.

“During Dive 04 of the second Voyage to the Ridge 2022 expedition, we observed several sublinear sets of holes in the sediment on the seafloor at a depth of approximately 2,540 meters (1.6 miles). While the holes look almost human made, the little piles of sediment around them suggest they had been excavated.” Pahayag ng isa sa mga scientists.

“We attempted but were not able to take a peek into the holes and poke them with the tools on the remotely operated vehicle. It was also not apparent as to whether the holes were connected beneath the sediment surface.” Dagdag pa nila.

Dahil dito ay hinikayat nga ng “NOAA Ocean Exploration” ang mga tao upang maibahagi ang kanilang mga opinyon patungkol dito upang maresolba na ang misteryo. Para naman sa mga siyentipiko, hindi pa nila batid ang pinagmulan ng mga butas na ito hanggang sa ngayon.

Ilan sa mga naging sagot ng mga netizens ay mula sa mga “alien”, mga hindi pa nadidiskubre na specie ng alimango, gas na umaangat mula sa seafloor, at marami pang iba.

Hindi ito ang unang beses na mayroong nadiskubre ang mga siyentipiko na tulad nito dahil noong taong 2004 habang ginagalugad nila ang lalim na 2,082 meters (6,831 feet) sa kanilang ekspedisyon sa northern Mid-Atlantic Ridge ay nakakita rin sila ng ganitong mga butas. Ayon naman sa pahayag ng mga scientists na sina Michael Vecchione at Odd Aksel Bergstad ay posibleng isang uri ng living organism ang dahilan ng mga butas na ito.

Ginamit nila ang salitang “lebensspuren” upang ilarawan ito na ang ibig sabihin ay “life traces”.