Mga paaralan sa Pilipinas na pinakakilala at mayroong pinakamahal na tuition, alamin!

Noon pa man ay talagang napakahalaga na ng edukasyon para sa maraming mga Pilipino. Hindi na nakapagtatakang lubos ang ginagawang pagsusumikap ng ating mga magulang upang magkaroon tayo ng magandang kinabukasan. Nagpapakasigasig sila sa paghahanap-buhay, kumita lamang ng sapat para sa pang-araw-araw na gastusin ng pamilya at pangmatrikula ng mga anak. Ngunit kailangan nga bang maging mahal ang maayos at de kalidad na edukasyon dito sa Pilipinas? Ito ang listahan ng mga pinakakilala at mayroong pinakamahal na tuition fee na paaralan sa ating bansa:

DE LA SALLE SANTIAGO ZOBEL SCHOOL (DLSZ)


Ang paaaralang ito ang isa sa pinakakilala at pinakamamahaling paaralan sa bansa. Taong 1978 pa nang maitatag ito at ito ngayon ay matatagpuan sa isang exclusive village sa Ayala, Alabang. Maaaring mag-aral dito ng pre-school, grade school, junior, at senior highschool. Mayroon din silang Technical Education and Skills Development Authority o TESDA courses sa kanilang paaralan tulad na lamang halimbawa ng Automotive Servicing, Computer Hardware Servicing, at Cookery. Ang matrikula dito ay umaabot ng Php150,000 sa loob ng isang taon mula pa noong 2015.

COLEGIO DE SAN AGUSTIN MAKATI


Taong 1969 naman ang maitatag ang paaralang ito ng mga pari. Isa itong coeducational Catholic School na nasa ilalim ng Order of Saint Augustine (OSA). Maaaring mag-aral dito mula pre-school hanggang senior highschool. Mayroon din silang Arts and Sports Enrichment Program. Ang paaralang ito ay matatagpuan sa Makati City. Ang presyo ng matrikula dito sa loob ng isang taon ay Php160,000. Wala pa riyan ang hidden charges, miscellaneous fee, yearbook, at graduation fees.

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY


Isa rin naman sa pinakakilalang unibersidad sa Pilipinas ang Ateneo de Manila University. Isa itong private academic and research institute na itinayo pa noong 1859 ng society of Jesus. Mula pa noong 2015 ay nagkakahalaga na ng Php165,000 ang presyo ng matrikula dito hindi pa kasama ang ilang mga miscellaneous fees.

XAVIER SCHOOL

Isa rin ang paaralang ito sa may pinakamahal na tuition fee sa bansa. Nasa Php170,000 ang matrikula dito mula pa noong taong 2014. Ang paaralang ito ay isanga Jesuit-run private Catholic School na ekslusibo lamang para sa mga kalalakihan. Ang paaralan ding ito ang isa sa mga paaralan sa bansa na nagrerequire sa mga estudyante nitong mag-aral ng Chinese sa kanilang K-12 Curriculum.

LA SALLE GREENHILLS


Taong 1959 naman nang itatag ng La Salle brothers ang paaralang ito. Ito ay isa ring “all boys school” na matatagpuan sa isang 6-hectare property sa Mandaluyong. Mayroong matrikula na Php170,000 sa paaralang ito kada taon.

REEDLY INTERNATIONAL SCHOOL


Ang matrikula naman sa paaralang ito ay umaabot na ng Php190,000 sa loob lamang ng isang taon kung saan hindi pa kasama ang iba pang mga bayarin. Matatagpuan ang paaralang ito sa Pasig City, Metro Manila.

SOUTHVILLE INTERNATIONAL SCHOOL AND COLLEGES (SISC)


Kabilang ang SISC sa top international schools sa Metro Manila. Taong 1990 nang ito ay maitatag. Matatagpuan ito sa Las Piñas. Kahit grade school pa lamang ang mga estudyante ay nagbabayad na sila ng Php200,000 kada taon at hindi pa kasama ang iba pang bayarin sa naturang paaralan.

BRITISH SCHOOL MANILA (BSM)


Isa itong private international school na naitatag noong 1976. Matatagpuan ito sa Bonifacio Global City. Para sa mga Grade 10 hanggang 11 na estudyante ay mayroon silang binabayarang matrikula na Php400,700 kada taon habang Php400,140 naman para sa mga Grade 12 hanggang 13. Mayroon din silang binabayarang Php200,000 na entrance fee, Php15,000 na application fee at capital development fee.

BRENT INTERNATIONAL SCHOOL


Ang paaralang ito ang pinakamahal na paaralan sa buong bansa. Isa itong international co-educational day and boarding school. Mayroong tuition fee dito na Php500,632 para sa mga Upper Schools mula Grade 9 hangganga 12. Kasama na rito ang $1,575 na capital development fee, $3,000 na maltriculation fee at iba pang bayarin para sa reserving slots.