Matiyagang naghintay ang aso na ito sa pagbabalik ng kaniyang among lalaki mula sa ospital!

Kung papipiliin ka ng aso na nais mong alagaan at maging “pet” sa inyong tahanan, ano kaya ang iyong pipiliin; aso, pusa, isda, ibon, hamster, kuneho, o iba pang mga “exotic” na hayop? Marami sa atin ngayon ang talagang nagkakaroon na ng interes na bumili o di kaya naman ay mag-ampon ng mga alagang hayop.

Kahit pa nga hindi biro ang obligasyon at responsibilidad natin sa mga aalagaan nating hayop. Kailangan kasing maibigay natin ang mga pangangailangan nila tulad ng pagkain at tirahan.

Gayun din naman ang atensyon, pagkalinga, at pagmamahal na nararapat para sa kanila. Sadyang kakaiba rin naman kasi talaga ang pakiramdam na mayroon kang alagang hayop.

Tulad na lamang ng isang pamilyang ito na mayroong tapat na alagang aso. Ang asong ito ay labis na nag-alala sa kaniyang among lalaki nang minsang itong madala sa ospital.

Ang aso na ito ay si Leia na isang German Shepherd. Ang kaniyang amo talaga ay si Katie Synder.

Maliit na tuta pa lamang siya ay magkasama na silang dalawa. Isang beses ay kinailangang iwanan ni Katie ang kaniyang alagang si Leia sa kaniyang mga magulang.

Agad din namang pumayag ang mga ito lalo na ang kaniyang ama na naging malapit na rin dito. Talaga namang sunod lahat ng gusto ni Leia sa mga magulang ni Katie.

Hindi na nakapagtataka kung bakit gustong gusto niya ang pumunta sa bahay ng mga ito. Ayon kay Katie, hindi raw tipikal na “cuddly dog” ang kaniyang aso.

Upang maipakita raw nito sa isang tao ang kaniyang pagmamahal ay tinatabihan niya ito sa sala o di kaya naman ay naghihintay sa labas ng banyo. Nang minsang maospital ang daddy ni Katie ay napansin nilang naging malungkot at matamlay si Leia.

Nakaupo lamang daw sa may pintuan si Leia na tila ba hinihintay ang pagbabalik ng kaniyang among lalaki. Hindi rin naman nagtagal at nadischarge na din ang tatay ni Katie dahilan upang maging masiglang muli si Leia.