Matapos manganak nang pusang ito ay talagang pagod na pagod siya ngunit ito ang ginawa ng kaniyang partner na pusa upang maibsan ang hirap na kaniyang nararamdaman!

Isang netizen ang nagbahagi ng nakakatuwang larawan ng kaniyang mga alagang pusa. Ang couple cat na ito ay talagang kinagigiliwan ngayon ng maraming mga netizens.

Isang araw ay nagdalang-tao ang puti na pusa at ilang buwan lamang ang nakalipas ay nagsilang na ito ng ilang mga kuting. Pagkatapos namang manganak nang puti na pusa ay nagulat ang kanilang amo nang makita niyang hinalikan ito ng “father cat”.

Talaga namang napakasweet ng ginawang ito ng “father cat” batid naman nating napakahirap ng pinagdaraanan ng mga nanay sa tuwing sila ay magsisilang ng kanilang mga anak. Isang paa raw ng mga nanay ang nasa hukay sa tuwing manganganak sila.

Hindi lang lubos akalain ng kanilang amo na gagawin ng “father cat” ang ilang mga bagay na ito para sa “mother cat”. Dagdag pa niya, palaging pinapauna ng “father cat” na makakain ang “mother cat” bago siya.

Lumalabas din daw ito at pag balik ay mayroon nang dala-dalang laruan para sa “mother cat”. Dahil daw sa mga pangyayaring ito ay mas naniniwala pa siya ngayon sa tunay na pag-ibig.

Napakaresponsableng ama ng gray cat na ito na palaging hinahalikan ang white cat at ang kanilang mga maliliit pang kuting. Marami nang mga netizens ang nagbahagi ng kanilang mga komento at reaksyon ukol dito.


Hindi makapaniwala ang nakararami na maaari din pala itong mangyari pagdating sa mga hayop. Marunong din talaga silang magmalasakit at magmahal.

Ang pagiging responsable ay isa rin sa mga nakakamanghang bagay na natuklasan ng publiko patungkol sa mga hayop na ito tulad ng mga pusa ng hindi na nagpakilalang netizen. Sana ay mas marami sa atin ang mamulat sa ganitong pagmamahal at pagmamalasakit.

Hindi naman kailangan ng mga materyal na bagay at maraming pera para lamang maipamalas natin ang pagmamahal natin sa ating pamilya. Kailangan din talaga nating paglaanan ng oras at panahon.