Mas masigla daw ang mga bata lalo na kung kamukha ng kanilang mga tatay ayon sa isang pag-aaral!

Maliban sa materyal na mga bagay at pagiging marangya pagdating sa pinansiyal nating pangangailangan, isa na marahil sa pinakainaasam-asam at pinapangarap ng marami ang pagkakaroon ng isang kumpleto at masayang pamilya. Hindi lahat tayo ay mayroong kumpleto at masayang pamilya kung kaya naman talagang isa ito sa mga pinapangarap ng karamihan sa atin.

Marahil para sa nakararami, hindi ito matatawaran o mapapantay ng ano mang halaga ng salapi. Tunay naman na iba talaga ang pakiramdam nang pagiging isang ama at ina sa ating mga supling.

Marahil ay madalas na nating naririnig ang mga hinaing ng mga ilaw ng tahanan kung saan siyam na buwan nilang dinala sa kanilang sinapupunan ang kanilang mga anak ngunit paglabas nito ay kamukhang-kamukha lamang daw ng kanilang mister! Ayon kasi sa ilang mga pag-aaral, mas nagiging masigla raw ang mga bata kung kamukha sila ng kanilang tatay.

Ayon din sa ilang mga pag-aaral, ang mga ama na malaki ang pagkakahawig o pagkakamukha sa kanilang mga anak ay talagang naaapektuhan at naiimpluwensiyahan kung paano sila magiging ama sa kanilang mga supling.

“Ang mga tatay na kamukha ang kanilang mga anak ay mas sigurado na anak nila ito, kaya mas ginagamit nila ang oras kasama ang baby.” Pagpapaliwanag ni Professor Solomon Polachek sa Medical Daily.

Nagkaroon din naman ng pag-aaral kung saan mayroong mga researchers na nag-obserba sa 715 na mga pamilyang nakarehistro sa “Fragile Families and Child Wellbeing o FFCW, ang mga batang ito ay namumuhay lamang kasama ang kanilang mga ina.

“Napag-alaman naming na bumubuti ang child health indicators kapag kamukha ang tatay. Ang pangunahing paliwanag ay madalas na pagbisita ng ama para magbigay ng oras sa pag-aalaga at pagbabantay, at pag-alam tungkol sa kalusugan at mga pangangailangan ng bata,” Pahayag ng mga researchers.

Dagdag pa nila, pagdating sa mga ina, likas na silang maalaga kamukha man nila ang kanilang mga sanggol o hindi.