Marites Nanays, kinagiliwan ng publiko dahil sa nakakatuwa nilang TikTok video!

Marami na ring naging pagbabago mula noon hanggang ngayon pagdating sa teknolohiyang ginagamit at tinatamasa natin. Maaaring noon ay hindi pa natin talaga nararanasan ang mga benepisyo ito ngunit ngayon ay sadyang hindi na mabilang sa ating mga daliri ang mga magagandang bagay na dulot ng modernong mga gamit at teknolohiya natin.

Dahil sa mga ito mas madali na para sa atin ang makipag-usap o magkaroon ng komunikasyon sa mga mahal natin sa buhay na nasa ibang lugar o ibang bansa. Gayundin naman, mas nalilibang na tayo at nababawasan ang stress natin sa trabaho man o personal gamit ang mga popular na apps ngayon.

Tulad na lamang ng TikTok, isa itong “video-focused social networking service” gawa ng isang Chinese company. Talagang marami ang natutuwang gumamit nito mula sa bata hanggang sa mga matatanda.

Dahil patok na patok din ito sa maraming mga Pilipino, hindi rin naman nagpahuli ang ilang mga nanay na gumiling-giling sa saliw ng isang sikat na tugtugin. Ang grupo na ito ng mga kababaihan ay tinaguriang “Marites Nanays” na gumawa ng sarili nilang bersyon ng “My Name Is”.

Talaga namang nakakawala ng pagod ang ginawa nilang pagsayaw samahan pa ng kanilang mga “pag-emote” habang ginagawa ang sikat na dance craze na ito. Umani ng maraming positibong komento at reaksyon sa publiko ang video nilang ito na mayroon nang 22.1 million views at higit sa 2.6 million hearts.


Marami ding mga netizens ang nagsasabing mas mabuti na ito kaysa naman puro na lamang tsismisan ang ginagawa ng ilang mga nanay sa tuwing nagkakatipon sila sa labas ng kanilang mga tahanan. Tunay ngang bilang mga Pilipino, babae man o lalaki, bata man o matanda ay hindi na maiaalis ang pagiging likas nating masayahin.

Kahit na mahirap ang buhay at maraming pagsubok ay palaging may oras tayong ngumiti kasama ang ating pamilya at mga kaibigan.