Marami ang nagulat nang makita ang napakagandang pagbabago sa lumang bahay na ito, isang minimalist renovation!

Isang pangarap na maituturing ang pagkakaroon ng isang maayos at magandang tahanan. Ito ang isa sa mga pangunahing bagay na talagang ipinupundar ng dalawang taong bumubuo ng pamilya.

Marami ring mga Pilipino ang sasang-ayon na ang pagkakaroon ng sariling bahay o ang pagbukod ay isa talaga sa mga bagay na kanilang pinahahalagahan. Sabi nga sa isang matandang kasabihan “Your house, your rules!”

Kamakailan lamang ay isang tahanan ang pumukaw sa atensyon ng publiko. Noon ay luma at talaga namang hindi ganoon kaganda ang bahay na ito.

Ngunit ngayon ay isa na itong maganda at talaga namang napakaaliwalas na bahay. Ang netizen na nagbahagi ng larawan sa social media ay walang iba kundi si Surumpa Jareonsin.

Namangha ang publiko nang masilayan ang before at after pictures ng kaniyang tahanan. Sa harapan pa lamang nito ay talaga namang mas kapansin-pansin ang pagiging maayos at maaliwalas nito.

Malaki din ang naging pagbabago sa kanilang kusina noon at ngayon. “Yayamanin” kung ilarawan ng mga netizens ang naturang kitchen renovation. Maayos naman ang kanilang hagdan noon ngunit mas naging elegante at maayos na itong tingnan ngayon.

Napakasarap din namang magpahinga sa kanilang kwarto ngayon. Puro puti ang kulay dito kung kaya naman napaka-relaxing talaga.

Maging ang living room nila ay naging maayos at maganda rin matapos ang kanilang pagpapaayos. Kaunti lamang ang gamit sa kanilang kusina ngunit talagang mamamangha ka sa pagkaaliwalas nito.

Maging ang banyo nila ngayon ay aakalain mong banyo sa isang hotel! Tunay ngang kaya din pala nating pagandahin ang mga lumang bagay na mayroon na tayo.

Kailangan lamang ng malawak na kaisipan upang maisakatuparan ang anumang nais natin lalo na sa pagpapaganda ng ating mga naipundar na ari-arian. Maraming mga netizens ang talagang natuwa dahil sa minimalist renovation na ito.

Nagsilbi rin naman itong inspirasyon sa mas maraming mga Pilipino na nagnanais ding makapagpundar ng isang maayos at magandang bahay sa hinaharap.