Makalipas ang sampung taon, sa wakas ay nakahukay na rin ang lalaking ito ng 2.38 carat diamond sa isang State Park!

Kamakailan lamang ay nakadiskubre ang lalaking ito ng 2.38 carat diamond sa isang State Park! Ito ay halos sampung taon matapos niyang magsimulang mag-treasure hunting sa Estados Unidos.

Ayon sa ilang mga ulat, sampung taon na rin ang nakararaan buhat nang bumisita siya sa Crater of Diamonds State Park kung saan siya nakahukay ng maliliit na mga dyamante. Sa paglipas ng ilan pang taon ay naging kaibigan na rin niya ang mga regular na bumibisita rito.

Mula noon ay palagi na nilang pinagkukumpara ang mga bato at dyamante na kanilang nakukuha. Isang araw ay mayroong nakakuha ng 1.79-carat diamond sa kanila.

At mula noon ay napagkasunduan nila na kung sino man ang makakakuha ng pinakamalaking dyamante sa kanila ay tatawaging “king of the mountain.” Ito ang naging dahilan kung kaya naman mas nagpursige pa si Hardin na makadiskubre ng mas malaking dyamante.


“One of the other guys and I have been going back and forth, seeing who can find the biggest diamond. I found a big one, then he got a 1.79-carat, and we were joking about who would find the next big diamond and be ‘king of the mountain.’ As soon as I found this one, I had a feeling I had him beat. Now he’s trying to find a bigger one, but I’m planning on staying on top!” Komento ni Hardin.

Abril 10 nang nakatuklas siya ng brown diamond na may timbang na 2.38 carats. Ito na ang pinakamalaking dyamante na kanilang nahukay sa State Park.

“It was right in the middle when I flipped my screen over. When I saw it, I said, ‘Wow, that’s a big diamond!’” Pagkukwento ni Hardin.

‘Frankenstein’ diamond ang tinawag niya sa nadiskubre niyang ito dahil sa mayroon daw itong “pretty and kind of not-so-pretty look”. Ang “Crater of Diamonds State Park” sa Murfreesboro, Arkansas ay ang tanging diamond-bearing park sa buong mundo na bukas sa publiko.