Makalipas ang 200 taon ay nagkaroon din ng babaeng anak ang pamilyang ito kung kaya naman talagang walang mapagsidlan ang kanilang kaligayahan!

Taong 1809 pa nang mayroong isinilang na babaeng sanggol sa pamilya Lawrie. Hindi nila lubos akalain na maghihintay pa pala sila ng 200 taong bago pa man sila muling magkaroon ng babae sa kanilang angkan.

Taong 2014 nang isilang ang sanggol na si Myla Lawrie, ang kauna-unahang babaeng sanggol na naisilang sa kanilang pamilya. Hindi rin naman akalain ng maga-asawang Hannah at Mark Lawrie na darating ang araw na ito na sa wakas ay magkakaroon na rin ng isa pang babaeng sanggol sa kanilang pamilya makalipas ang limang henerasyon!

Ang “great-great Aunt Bessie” ni Mark ay isinilang noong kapanahunan din ng pagsilang nina Charles Darwin, Abraham Lincoln, at Edgar Allan Poe! Kung kaya naman nang magpakasal sila noon ay binalaan na agad ni Mark ang kaniyang asawang si Hannah na puro lalaki lamang ang isinisilang na sanggol sa kanilang angkan at limang henerasyon na ang tagal nito.

Bagamat sinabihan na si Hannah ng kaniyang mister patungkol dito ay hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa na magkaroon sila ng anak na babae. Taong 2012 nang isinilang ni Hannah ang panganay nilang si Mason na ngayon ay pitong taong gulang na.

Mayroon na ring dalawang anak si Mark sa dati niyang nakarelasyon na sina Ben (14), at Zac (11). Taong 2014 ay nagdalang-tao muli si Hannah, at sa pagkakataong ito ay isa nang sanggol na babae ang kaniyang ipinagbubuntis.
“I was in a state of disbelief. I kept asking the sonographer if she was sure,” pahayag ni Hannah.

“Mark was so emotional he was in tears, crying that it was a gift from his Dad who, sadly, passed away just before I fell pregnant. He’d told us he’d love a granddaughter,” dagdag pa niya.

Talaga namang nagalak ang buong angkan nila sa pagdating ni Baby Myla na itinuturing nila ngayong prinsesa na mayroong napakaraming mga prinsipe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *