Mahigit sa 50 balat ng ahas ang natagpuan ng pamilyang ito sa kanila mismong bubungan!

Marahil hanggang ngayon marami pa rin sa atin ang takot sa mga ahas. Hindi lamang dahil sa nakakatakot nilang tunog at hitsura kundi dahil na rin sa ang ilan sa kanilang mga specie ay nakamamatay.

Ilang segundo lamang ay tiyak na babawian ka na ng buhay kung ikaw ay natuklaw ng Cobra at ilang uri pa ng mga ahas na ito. Dahil dito ay talagang kinatatakutan ito sa siyudad man o mga probinsiya.

Kamakailan lamang ay marami ang nagulat sa mga larawang ito ng isang pamilya mula sa Australia dahil nakakuha lang naman sila ng mahigit na 50 balat ng ahas sa kanilang bubungan! Ang bahay ng pamilya ay matatagpuan sa Rocksberg, Queensland.

Kahit pa nga napakaraming snake skin ang natagpuan nila sa kanilang tahanan ay wala naman silang namataang kahit isang buhay na ahas dito.

“Dave has seen plenty of skin left in people’s roof before but nothing like this.” Pagkukwento ni Stuart McKenzie na isa ring snake catcher.

Talagang nakakatakot ang ganitong klase ng pangyayari lalo na at magiging napakadelikado nito kung mayroong mga bata sa naturang tahanan. Ngunit sa halip na matakot nang husto ang mga batang nakatira sa bahay na iyon ay talagang na-excite pa sila at nagkaroon ng napakaraming mga tanong patungkol sa mga ahas.


Ipinaliwanag din naman ng mga snake catcher na posibleng hindi naman makamandag ang mga ahas na ito. Maaaring ito ay mula sa carpet pythons o di kaya naman ay pangkaraniwang tress snakes lamang.

Madalas daw talaga ang mga ahas sa bubungan ng bahay dahil maraming makakain dito tulad na lamang ng mga daga. Ngunit paalala pa rin ng nakararami na huwag nang lapitan pa ang mga ahas kung sakaling makakita man nito.

Palagi ring turuan at ipaalala sa mga bata na hindi dapat saktan o paglaruan ang mga ganitong klase ng hayop dahil maaari silang masaktan o mapahamak.