Magkapatid nagbuntis ng kambal sa iisang lalaki lamang, nanganak din sa magkaparehong araw!

Usap-usapan ngayon ng publiko ang dalawang magkapatid na ito na magkasabay nagbuntis ng kambal, iisa lamang ang ama, at pareho pa ng birthday! Marahil inakala ng marami na kabit ang isa o di kaya naman ay mayroong pagtataksil na naganap ngunit hindi sila pareho ng asawa.

Ang katotohanan pala sa likod nito ay tinutulungan lamang ng isang kapatid na babae ang kaniyang kapatid at asawa nito na ilang taon na ring hindi nagkakaanak. Sina Chris at Anne ay magkapatid mula sa Ohio, USA.

Limang taon na ring pinapangarap nina Anne at ng mister nito na mabiyayaan sila ng anak. Madalas ay nais niyang sumuko na lamang dahil sa mga pagsubok at pagkabigo na kaniyang nararanasan.

Dahil batid ni Chris kung na talagang gustong-gusto na ng kaniyang kapatid na magkaroon ng anak kung kaya naman nagpresinta na siyang ipagbuntis ang kanilang magiging supling sa pamamagitan ng in vitro fertilization. Pareho silang sumailalim sa naturang proseso.

Di nagtagal at nagdalang-tao na nga si Chris. Sumunod naman si Anne at pareho silang nabuntis nang kambal. Nakunan na noon si Anne kung kaya naman may halong kaba rin ang kaniyang pagbubuntis ngayon lalo na at kambal ang kaniyang dinadala.
Ngunit dahil magkasabay sila ng kaniyang kapatid ay mas nagkakaroon siya ng lakas ng loob. Makalipas pa ang ilang mga buwan ay nagsilang na ang magkapatid. Mayroon nang apat na anak ang mag-asawa at talaga namang maligayang-maligaya sila.

Talagang nagdesisyon ang magkapatid na sina Anne at Chris na manganak ng magkamukhang araw upang iisa na lamang ng kaarawan ang mga bata. Tiyak na mas magiging maligaya pa ang kanilang pamilya ngayon dahil sa pagdating sa buhay nila ng mga batang ito.

Lahat ng luha, paghihirap, at pagsasakripisyo ay napalitan na ng ngiti at bagong pag-asa. Wala talagang makapapantay sa kasiyahang maibibigay ng mga bagong silang na sanggol, hindi ba?