Mag-asawang 34 taon at 64 taong gulang, nanirahan sa kagubatan ng walong taon – walang cellphone at walang internet!

Si Miriam Lancewood ay 34 taong gulang ay mula sa Netherlands na ngayon ay nakatira na sa isang kagubatan sa New Zealand. Mula pa noong 2010 ay nakatira na sila ng kaniyang mister na si Peter, 64 taong gulang dito.

Wala silang cellphone, refrigerator, Internet, relo, at maging ang kanilang makakain ay talagang kailangan pa nilang hulihin. Bago pa man sila manirahan sa kagubatan ay sumailalim muna sila sa isang pagsasanay kung saan nag-hike sila ng sampung araw at dito nila natutunan ang mga “survival skills” na ginagamit nila ngayon upang mabuhay sa kagubatan.

Ilan sa mga nakakamanghang natutunan nila ay ang paggawa ng apoy sa gitna ng ulan. Dating physical education teacher si Miriam kung kaya naman mainam ang kaniyang stamina.

Gayundin naman ang kaniyang asawa kahit na 64 taong gulang na ito. Ngunit kahit gaano ka pala kahanda ay talagang maraming mga bagay pa rin ang kailangang mong matutunan at kailangan mong maranasan.

Halimbawa na lamang ng minsang makaranas ng sobrang pagbabalakubak si Miriam nang tag-lamig ay sinubukan nito ang “dandruff treatment” ng mga eskimo na narinig ng kaniyang asawa minsan. Ito ay ang paglalagay ng “morning urine” sa kaniyang ulo at pagkatapos ay sasabunin ito.

Naging epektibo naman ito sa kaniya. Pagkatapos nito ay nakagawa rin siya ng paraan upang masolusyunan ang kawalan nila ng toothpaste at toothbrush.

“Charcoal ash” ang gamit niya upang magsipilyo ng kaniyang ngipin. Taong 2010 nang napagdesisyunan nilang iwanan ang magulo at maingay na mundo.

Tinapon nila ang lahat ng mayroon sila. Kaunting damit lamang ang kanilang tinira.

Maliban sa kanilang mga damit ay nagdala rin sila ng 85 kilong bag na mayroong “powdered milk”, “oats”, “flour yeast”, bigas, mga gulay, at “honey”. Dating “vegetarian” si Miriam ngunit ngayon ay kumakain na rin siya ng karne na kanilang hinuhuling mag-asawa.

Umiyak pa raw siya nang unang beses siyang makapana ng kambing.