Larawan ng kasal ng isang 25 taong gulang na babae at 87 taong gulang na matandang lalaki, inulan ng komento mula sa publiko at maraming nagsasabing pera lamang ang habol ng babae sa lalaki!

Pagdating sa pakikipagrelasyon, nakasanayan na natin ang makakita ng dalawang taong nagmamahalan na nagpapakasal at hindi rin nagkakalayo ang mga edad. Ngunit sa paglipas ng panahon ay talagang mas dumarami na rin ang mga taong mapanghusga sa iba.

Madalas ay nakakarinig pa tayo ng mga masasakit na salita tulad na lamang halimbawa ng pagiging “gold digger”, “social climber”, oportunista, at marami pang iba. Talaga namang napakasakit nito lalo na kung wala naman itong katotohanan.

Nakakalungkot isipin na mayroong iilan sa atin ang talagang nakakaranas nito sa tunay na buhay. Ito marahil ang naramdaman ng dalagang si Fu Xuewei na mula sa Chengdu, China.

Siya ay 25 taong gulang na ngunit sa kabila ng edad niyang ito ay talagang nakaranas pa rin siya ng masasakit na salita dahil diumano sa pagpapakasal sa isang matandang lalaki na 87 taong gulang na! Lingid sa kaalaman ng publiko ay larawan pala nila ito ng kaniyang lolo.

Mayroong malalang karamdaman ang kaniyang lolo kung kaya naman pinagbigyan ng dalaga ang kahilingan nitong makasama ang kaniyang apo sa isang wedding photoshoot bago siya tuluyang lumisan. Natupad naman ni Fu Xuewei ang pangarap na ito ng kaniyang lolo kahit na wala pa siyang balak magpakasal sa ngayon, masayang siyang naibigay niya sa kaniyang lolo ang munting hiling nito sa kabila ng kaniyang nararamdaman.

Talagang ginastusan at pinaglaanan niya ng panahon ang kasuotan, kasal, at photographer ng kaniyang gawa-gawang kasal. Sa pamamaraan niyang ito ay nagawa niyang maiparamdam sa kaniyang lolo kung gaano ito kahalaga sa kaniya.

Tunay nga na dapat ay maging maingat tayo sa mga salitang binibitawan natin. Lalo na kung hindi naman tayo sigurado sa mga bagay na nakikita o naririnig natin.

Mas makabubuti pa rin ang bigyang respeto ang maaaring maramdaman ng mga taong nakapaligid sa atin kaysa unahin ang manghusga at pakialaman ang kanilang mga desisyon sa sarili nilang buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *