Larawan ng isang babaeng natutulog na mayroon pang maruming paa, usap-usapan ngayon ng publiko!

Madalas ay nalilinlang tayo ng ating kaisipan at ng ating mga mata. Tila ba marami tayong mga nakikitang bagay sa ating paligid ngunit hindi naman pala talaga ito ang katotohanan sa likuran ng mga ito.

Halimbawa na lamang ang larawan ng isang babae na ito na namataang natutulog habang marumi pa ang kaniyang mga paa! Laking pagtataka ng marami dahil kadalasan ay talagang maglilinis muna tayo ng ating katawan bago tayo mamahinga o matulog lalo na at kung tayo ay nakapagpalit na rin naman ng malinis natingkasuotan.

Ang naturang babae ay makikita ding nakasuot ng damit na kulay pula na mayroong “Supreme” na nakasulat. Ngunit lingid sa kaalaman ng marami ay hindi pala ito isang ordinaryong larawan lamang ng isang babae dahil ito pala ay isang oil painting na talaga namang napakadetalyado.

Kitang-kita kasi talaga ang bawat detalye sa paa at binti ng babae. Tunay ngang binuhusan talaga ng atensyon at panahon ng artist ang kaniyang obra maestrang ito.

Kapansin-pansin din sa comment section ng naturang post na hindi magkamayaw ang mga netizens sa pagbabahagi nila ng kanilang mga reaksyon at komento patungkol sa naturang obra. Tunay nga na napakarami talagang mahuhusay na indibidwal sa ating paligid.

Maliban sa kanilang talento ay talagang kailangan nilang matutunan kung paano ito linangin ng husto upang mas maging mahusay at mas magaling pa sila sa kanilang ginagawa. Hindi rin naman dapat panghinaan ng loob ng marami dahil sa panahon natin ngayon ay marami nang posibilidad sa mga talentong ito kahit pa nga sila ay hirap sa ngayon o nasa mahirap na sitwasyon.


Tiyak na mayroong tutulong at gagabay sa kanila upang mas malinang nila ang talentong ipinagkaloob sa kanila ng Diyos. Bilang mga anak ng Diyos ay nararapat din namang gamitin natin ang mga talentong ito hindi upang makapanglamang tayo ng kapwa kundi upang maging inspirasyon tayo sa ibang tao at makapagdulot ng kaligayahan sa nakararami.