Lalaking nagmistulang Tarzan sa tunay na buhay, nakatira sa kagubatan ng 41 taon at hindi alam ang tungkol sa mga kababaihan!

Mahilig tayong mga Pilipino na manuod ng mga pelikula o series sa telebisyon at maging sa ibang mga online platforms. Kung kaya naman hindi na bago sa atin ang mga kilalang superheroes na ito.

Ngunit kamakailan lamang ay marami ang nagulat dahil sa kwento ng “real-life Tarzan” na ito. Siya ay nakilala bilang si Ho Van Lang, 49 taong gulang na binigyan ng palayaw na “Real-life Tarzan”.

Sa loob ng 41 taon ay nanirahan siya sa kagubatan ng Vietnam kasama ang kaniyang ama at kapatid na si Tri. Sa buong buhay niya ay hindi niya alam na maliban sa kanilang mga lalaki ay mayroon din palang mga kababaihan.

Ayon sa ilang mga ulat, taong 1972 kasagsagan ng giyera sa Vietnam ay nagdesisyon ang kaniyang ama na si Ho Van Thanh na iwanan ang sibilisasyon kasama silang magkakapatid. Dahil sa giyerang ito ay nasawi ang kaniyang misis at dalawa pang mga anak matapos magbagsak ng bomba ang Estados Unidos.

Mula noon ay hindi na sila bumaba pa sa kabishasnan at gumawa na lamang ng mga kasangkapang gawa sa kamay na magagamit nila sa araw-araw nilang buhay sa kagubatan. Sa tinagal tagal ng kanilang pananatili sa kagubatan ay limang tao lamang ang kanilang nakita noon kung saan palagi silang nagtatago at tumatakbo palayo.
Walong taon na rin mula nang mailigtas sila sa Tay Tra district ng Quang Ngai. Ayon pa sa ilang mga ulat, hirap si Lang na malaman ang pagkakaiba ng mga babae sa mga lalaki.

Dahil sa matagal niyang pamamalagi sa gubat ay naging natural na sa kaniya ang pag “hunting” o panghuhuli para mabuhay. Ang madalas niyang kainin ay prutas, honey, unggoy, ahas, butiki, at palaka – at ang paborito niyang ulo ng daga.

Sa unang taon din niya sa labas ng gubat ay hindi kinaya ng kaniyang kalusugan ang bagong kapaligiran ngunit kalaunan ay nasanay na rin siya sa bago niyang buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *