Lalaking hindi nakapasa sa kolehiyo, nakapasa na ngayon sa dalawang licensure examinations!

Edukasyon ang isa sa pinakamahalagang bagay na maipamamana sa atin ng ating mga magulang kung kaya naman ganoon na lamang ang pagpupursige nilang masuportahan tayo hanggang makapagtapos tayo ng kolehiyo. Bata pa lamang tayo ay talaga namang itinatanim na sa ating puso at isipan kung gaano kahalaga at kaimportante ang makapagtapos tayo ng pag-aaral.

Ngunit hindi rin naman lahat ng kabataan ay agad na nakapagtatapos ng pag-aaral. Maraming mga bagay na nagiging dahilan upang hindi agad makapagtapos ang isang mag-aaral.

Mayroon din tayong kaniya-kaniya nating pagsubok at suliranin sa buhay. Kamakailan lamang ay nagbigay inspirasyon sa publiko ang isang lalaking ito na matapos magkaroon ng bagsak na grado sa kolehiyo ay nagawa pa ring makapasa sa dalawang licensure exams.

Pinatunayan niya na sa kabila ng maraming hadlang ay makakaya pa rin namang magtagumpay ng isang tao lalo na kung determinado talaga ito. Ang lalaking ito ay nakilala bilang si Prince Charles Agtarap Pascua.

Siya ay nagtapos sa Don Mariano Marcos Memorial State University – Mid La Union Campus. Mayroon siyang kurso na Electrical Engineering.

Bagamat labis na naapektuhan ng pandemya ang petsa ng kaniyang licensure exams ay nagawa pa rin niyang matapos ito taong 2021. Kumuha siya ng Registered Electrical Engineer licensure exam noong Setyembre 5-6, 2021 sa Baguio City.

Habang ang Registered Master Electrician licensure exam naman ay naganap noong Setyembre 7, 2021. Nang ilabas na ang listahan ng mga nakapasa sa exam ay nagulat siya nang malaman na nakapasa siya sa parehong exams.

“Sobrang hirap po talaga sa pag-take ng course ng Electrical Engineering, pero in the long run napupunta na rin yung loob ko sa course na iyon.” Pagsasalaysay ni Agtarap.

Naibahagi niya rin na ang kaniyang inspirasyon ay ang kaniyang ama na nagtatrabaho sa isang electric cooperative. Palagi daw siya nitong dinadala sa kanilanga opisina kung saan siya natututo ng mga basic tools at wiring services hanggang kalaunan ay napamahal na rin ito sa kaniya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *