Kilalanin si Willow, ang napaka-cute na pusang may “Down Syndrome” ngunit nailigtas bago pa man siya mabawian ng buhay!

Isang araw, habang naglalakad si Lori Farris, isang special need teacher ay mayroon siyang natagpuan na isang pusa na tila ba inabadona at talagang napabayaan na. Dinala na lamang niya ito sa kaniyang bahay matapos siya nitong sundan nang sundan.

Pinangalanan niya ang naturang pusa ng Willow, ang kalye o lugar kung saan niya natagpuan ang pusa.

“One day when I left a student’s house there was a tiny, dirty kitten on the doorstep and she followed me to my car,” Pahayag ni Lori.

“I took her home and cleaned her because she had fleas and a bloody nose.” Dagdag pa niya.

Kinabukasan ay agad niyang dinala si Willow sa beterinaryo kung saan sa kaniya sinabing si Willow pala ay isinilang limang linggo pa lamang ang nakalilipas.

“The poor thing had eye infections, fleas and intestinal parasites but the vet thought she seemed healthy other than her face and mouth – she said it was like feline Down syndrome.” Pagsasalaysay ni Lori.

Sinabi rin sa kaniya ng doktor na “euthanasia” ang mangyayari kay Willow kung dadalhin ito sa shelter kung kaya naman napagdesisyunan ni Lori na ampunin na lamang ang kaawa-awang pusa.

Makalipas ang apat na taon, magkasama pa rin sina Lori at Willow na masayang-masaya rin kasama ang kaniyang matalik na kaibigang aso na si “Ella, the Boxer”.

Umpisa pa lamang daw ay talagang naging magkasundo na ang dalawa kahit pa nga batid naman natin na hindi talaga nagkakasundo ng husto at palaging nag-aaway.

“When I first brought Willow to the house, Ella was so interested by her and eventually built up the courage to come see her. Willow gave her a bit of a swipe and a playful bite, and they have been inseparable ever since.” Kwento ni Lori.

Magkasama rind aw ang dalawa na kumain, maglaro, at kahit matulog. Sa ngayon ay isa na ring sikat na social media icon si Willow na mayroon nang higit sa 249,000 Instagram followers!