Kilalanin si Buff Cat, ang maskuladong pusa na hindi rin malaman ng kaniyang mga amo kung paano naging sobrang maskulado!

Hindi na bago sa atin ang mga cute na videos at larawan ng mga hayop sa iba’t-ibang panig ng mundo. Lalo na ngayon at mayroon na tayong mga social media platforms.

Talagang nakakatuwa rin na manuod ng mga ganitong videos paminsan-minsan lalo na kung nagpapalipas tayo ng oras. Nakakamangha naman kasi talaga at nakakabilib sa tuwing makakasaksi tayo ng mga kakaibang videos at kakaibang larawan ng mga hayop na ito.

Ngunit sa kabila nito ay talagang marami pa rin sa atin ang nabibigla sa ilang mga kakaibang balita patungkol sa ilang mga hayop tulad na lamang halimbawa ng pusa na ito na tinatawag ring Buff Cat. Naging sikat ang ilang mga larawan at videos niya taong 2018.

Talaga namang kasing buff na buff ang mga muscles nito na kumbaga sa isang tao ay naghahamon na ng away dahil sa sobrang laki! Siya ay nakabase at matatagpuan sa Montreal, Canada.

Talagang pinagkaguluhan ng maraming mga netizens ang kaniyang mga larawan at mga videos online. Iba’t-ibang memes at videos pa nga ang ginagawa ng mga netizens gamit ang kaniyang mga larawan.

Ngunit kahit gaano siya kalaki at ka-maskulado ay tila hindi batid ng kaniyang mga amo kung paano siya naging ganito. Para sa marami sa atin, hindi natural ang makakita ng ganito kalaking mga pusa.


Ang madalas kasing imahe natin sa mga pusa ay mabalahibo at talagang napaka-cute na mga hayop. Ngunit para kay Buff Cat, tila nasobrahan siya sa muscles at talagang mahahalatang napag-iwanan na ang kaniyang ulo.

Marami din sa mga netizens ang talagang nag-aalala sa kaniya dahil maaaring may kinalaman na rin ito sa kaniyang kalusugan kung kaya naman naging sobra sobra na ang kaniyang paglaki. Gayun pa man, wala namang ibang mga ulat pa patungkol dito.

Kung kaya naman marami ang umaasa na talagang nasa mabuti siyang kalagayan at maayos ang kaniyang kalusugan.