Kilalanin si Artemio Rocamora, ang itinuturing na alamat pagdating sa weightlifting!

Sino ba naman ang hindi nakakakilala kay Hidilyn Diaz? Siya lang naman ang 31 taong gulang na Pinay weightlifter at kauna-unahang Pilipino na nagwagi ng Olympic gold medal.

Siya rin ay kilala bilang Olympic weightlifting record holder na nagwagi sa “women’s 55 kg category” sa naganap na 2020 Summer Olympics. Talaga namang nagbigay siya ng karangalan sa ating bayan at ipinagbubunyi siya ng maraming mga Pilipino.

Ngayon naman ay kilalanin natin ang isa pang Pinoy na nagbigay karangalan din sa ating bayan noong taong 1964. Siya ay walang iba kundi si Artemio E. Rocamora, isa siyang Philippines Airforce Veteran at atleta.

Nag-uwi siya ng bronze medal sa Asian Championship at naging 19th place sa Tokyo Summer Olympics noong 1964. Siya ay isinilang noong June 29, 1934 at sa ngayon ay 87 taong gulang na.

Ayon sa kaniyang apo, nais lamang nilang mabigyan din ng pag-alala ang kaniyang lolo sa ibinigay nitong karangalan sa bansa noon. Batid din daw kasi ng kaniyang lolo na talagang mahirap ang makahanap ng sponsor noon pagdating sa weightlifting.

Kinailangan din daw ng kaniyang lolo na pagsabayin ang pag-eensanyo at ang pagtataguyod sa kanilang pamilya. Hanggang ngayon ay naingatan pa rin nila ang ilang mga dokumento, ilang mga larawan, at medalyang natanggap ng kanilang lolo.
Si Artemio ay isang professional na weightlifter na lumahok sa 1964 Summer Olympiad na ginanap sa Tokyo, Japan. Siya ay kabilang sa 82.5 kg men’s competition.

Talaga namang napakaraming mga Pilipino ang nagbibigay ng karangalan sa ating bayan noon at ngayon. Kung kaya naman dapat ay mabigyan din sila ng pantay na pag-alala lalo na kung hanggang ngayon ay nabubuhay pa rin sila at naging bahagi na ng kasaysayan ang kanilang naging kontribusyon.

Huwag sana nating kalimutan na minsan din nilang inialay ang kanilang sarili mabigyan lamang ng karangalan ang ating bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *