Kansas City, nakapagpatayo ng isang veteran village na mayroong mga bahay na nakalaan para sa mga beteranong walang tahanan!

Bilang isang magulang, tiyak na kakaiba ang takot at pag-aalalang ating nadarama lalo na kung sa murang edad pa lamang ay sasabihin na sa atin ng ating mga anak na gusto nilang maging isang pulis o di kaya naman ay isang sundalo sa hinaharap. Bagamat magandang trabaho ito para sa nakararami, hindi rin naman maiaalis ang katotohanan na mapanganib ang ganitong linya ng karera mapa-babae man o lalaki.

Nakakalungkot lamang isipin na madalas ay hindi nabibigyan ng maraming pribilehiyo ang mga katulad nila lalo na sa panahon natin ngayon. Buti na lamang at kahit papaano ay mayroon pa ring iilang pribadong organisasyon at grupo ng mga tao ang nagnanais na matulungan sila lalong-lalo na ang mga beteranong sundalo at military.

Magandang balita ang inilunsad na ito ng Kansas City para sa mga beterano para na rin magkaroon sila ng komportableng buhay. Ayon sa “The National Coalition for Homeless Veterans”, halos 40 porsiyento ng mga beterano ang walang sariling tahanan.

Hindi pa kasama dito ang dinaranas nilang [email protected] sa halos ilang taon nilang pakikipaglaban para sa kanilang bayan. Marami ang humanga kay Kevin Jamison at sa mga partner nito sa ginawa nilang pagtulong sa Veterans Community Project.

Nang magkaroon sila ng oportunidad na tumulong sa mga ito ay hindi na sila nagdalawang-isip pa. Nang makakita sila ng bakanteng lote sa kanilang lugar ay agad nila itong binili mula sa City Land Bank sa halagang US$500.


Sa ngayon ay mayroon nang 50 mga bahay ang Veteran Village kung saan maaaring manirahan ng libre ang mga beteranong walang tirahan. Sa loob ng mga munting tirahan na ito ay mayroon na lahat ng kanilang kailangan – higaan, palikuran, at kusina. Cost effective ang mga ito dahil bawat isa ay naitayo sa halagang US$10,000 lamang.

Umaasa din sina Jamison na kahit papaano ay makakatulong ito sa mga beteranong makabangon muli sa kabila ng maraming sakripisyo at paghihirap na kanilang naranasan dahil sa kanilang serbisyo para sa bayan.