Jinri Park, natupad na sa wakas ang kaniyang pangarap na makapagsuot ng wedding gown dalawang taon pagkatapos niyang maikasal!

Si Jinri Park ay isang South Korean model, DJ, aktres at magazine columnist. Taong 2011-2015 nang siya ay makilala sa Pilipinas bilang isang mahusay na DJ at mula noon ay nabigyan na rin siya ng ilang mga proyekto kung saan naipamalas niya rin ang kaniyang talento sa pag-arte.

Taong 2011 ay naitampok din siya sa FHM Philippines at isa siya sa naging pinakapaborito ng maraming mga Pilipino dahil sa angkin niyang kagandahan at kaseksihan. Marso 2020, kasagsagan ng pandemya ay ibinahagi niya sa publiko na siya ay kasal na sa Filipino-Australian na si John.

Ikinasal sila sa Sydney, Australia kung saan siya nagtrabaho bilang isang waitress. Nito lamang Enero 5, 2022 ay ibinahagi ni Jinri ang larawan nila ng kaniyang mister na si John.

Makalipas kasi ang dalawang taong kasal nila ay ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon na makapagsuot si Jinri ng bridal gown. Kung kaya naman talagang masayang masaya ang dating modelo at dating PBB housemate.

Ang napakaganda niyang gown ay gawa ng Cebu-based fashion designer na si Jun Escario. Ito dapat ang suot niya sa plano nilang kasal noong Marso 2020 sa Maynila na hindi na natuloy dahil sa pagtaas at paglala ng mga kaso ng COVID-19.

“A lot like love. Finally!!! After years of waiting I got to wear my wedding dress made especially for me by the great @junescario (who is by the way from Cebu, where I grew up so it means a lot: Special thanks to my Tita Michelle for getting me this lovely dress.” Pahayag ni Jinri.

“I didn’t get to do my wedding but this sh00t will do and will forever cherish this moment. So glad that my parents were here to join us as well!” Dagdag pa niya.

Hindi rin niya nakaligtaan na pasalamatan ang Filipino-Australian photographer na si Rolfe De Guzman at ang hair/makeup artist na si Aika Kadowaki.