Isang white woman mula sa England ang nagsilang ng isang morenang anak at ang naging paniniwala ng kaniyang mister ay genetic DNA ito mula sa kaniyang mga ninuno, 28 ang nakalipas at nagdesisyon siyang magpa-DNA test na!

Ayon sa ilang mga naunang pag-aaral, posibleng magkaroon ng anak ang mga mag-asawang puti na kakaiba ang kulay sa kanilang balat kung pareho silang mayroong mga ninuno na mayroong maitim o morenang balat. Sa panahon natin ngayon ay hindi na ito posible dahil mas marami na sa atin ang nakakapangasawa ng ibang mga lahi.

Ngunit 28 taon na ang nakararaan ay mayroong white couple mula sa England ang nagkaroon ng panganay nilang anak na isang babae. Ang mag-asawa ay nakilala bilang sina Jim at Colette Lawton.

Pinangalanan naman nilang Georgina ang kanilang anak. Laking gulat ni Jim dahil ang balat ng kanilang anak ay hindi katulad ng puting balat nilang mag-asawa.

Dahil sa talagang tiwala siya sa kaniyang misis ay hindi na siya nagtanong at hindi na niya ito kinuwestiyon pa dahil batid naman niyang posible ang genetic DNA mula sa kanilang mga ninuno. Lumaki ang kanilang anak nang puno ng pagmamahal mula sa kanilang mag-asawa.

Kahit nga kakaiba ang kulay ng kaniyang balat sa kaniyang ina at ama ay talagang naramdaman pa rin ni Georgina na masaya at buo ang kaniyang pagkatao. Ngunit dumating ang pagkakataon kung saan tila nagkaroon siya ng sikolohikal na problema lalo na ng madalas na pag-usapan siya ng kaniyang mga kaibigan at kaklase dahil sa malaking pagkakaiba niya sa kaniyang mga magulang.

Dahil sa nakita ito at napansin ng kaniyang ama ay agad namang sumuporta at gumabay ito sa kaniyang lumalaking anak. Ngunit bago pa man siya makapagtapos ng kolehiyo ay pumanaw ang kaniyang ama dahil sa sakit na kanser.

Matapos nito ay agad siyang nagpa-DNA test at nalaman niyang hindi pala ang kaniyang Daddy Jim ang kaniyang tunay na ama! Agad din namang inamin sa kaniya ng kaniyang ina ang buong katotohanan.

Inamin ng kaniyang ina na nagloko pala ito sa kaniyang asawa noon. Nakakilala siya ng isang black American sa bar at ito nga ang biological father ni Georgina.

Sa kabila nito ay hindi kailan man nagduda ang kinalakihan niyang ama sa tunay niyang pagkatao o maging sa pagmamahal ng kaniyang ina rito. Bagkus ay pinalaki siya nito ng maayos at tinuring na isang tunay na anak.