Isang waitress mula sa Arkansas ang nakatanggap ng $4,400 na tip mula sa isang kostumer ngunit agad itong tinanggal sa trabaho ng kaniyang manager matapos ipamahagi ng kaniyang manager sa iba ang kaniyang tip!

Si Grand Wise ay isang real estate company owner na bumuo ng isang dine-in get-together sa “The Oven and Tap” sa Bentonville, Arkansas. Bawat miyembro nito ay magbabahagi ng tip na $100.

Mapalad namang nakatanggap ng tip na $4,400 ang waitress na nakilala sa pangalang Ryan Brandt. Mayroon pa siyang isang katrabaho na makakahati niya sa natanggap na tip.

Nang malaman naman ng kaniyang mga managers ang nangyari, agad nilang sinabihan si Brandt na kailangan niyang ibahagi ang perang ito sa iba pa nilang kasamahan sa restaurant. Laking pagtataka niya dahil sa higit tatlo at kalahating taon na pagtatrabaho niya dito ay hindi sila naghati ng tip kahit minsan.

“I was told that I was going to be giving my cash over to my shift manager, and I would be taking home 20%,” Pagbabahagi ni Brandt.

Talagang malaki ang pasasalamat niya nang mapili sila na mabigyan ng ganito kalaking halaga ng tip dahil sa isa siyang working student sa University of Arkansas ay balak niyang gamitin pangbayad ng kaniyang utang at matrikula ang kaniyang natanggap na biyaya. Ilang araw pa ang lumipas at tinanggal na lamang siya basta sa kaniyang pinagtatrabahuhang restaurant dahil diumano sa pagsasabi nito ng kanilang patakaran sa kostumer na nagbigay sa kaniya ng malaking tip.

Hindi naman ito nagustuhan ni Wise kung kaya naman gumawa siya ng paraan upang maibalik ang pera kay Brandt dahil para naman talaga ito sa kaniya.

“We knew servers were hit hard through COVID, and it was something that a friend had come up with to help give back,” Pahayag ni Wise.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Grant Wise (@likegrantwise)

“I’m so saddened to hear that the girl we tipped the other night at our $100 Dinner Club has been fired from her job. I don’t fully understand why this would happen to what seems like such a sweet and kind-hearted woman. Nonetheless, I’m committed to showing her that there are great people in the world that will do well when they can.” Paliwanag pa niya.