Isang “Viking wooden bowl” na nasa 1,000 taon na, natagpuan ng isang batang lalaki!

Natagpuan ng sampung taong gulang na batang si Erik Briskerud ang isang kakaibang bagay na ito habang nagbabangka sila ng kaniyang ama sa Glomma River sa Norway. Laking gulat niya nang malaman niyang ang natagpuan niya pala ay isang “late viking age wooden bowl” na 1,000 taon na ang edad!

Talaga namang maraming mga kabataan ngayon ang interesado sa mga ganitong klase ng bagay. Itinuturing nila itong “once-in-a-lifetime experience”.

Nang unang beses itong makita ni Erik ay nagtaka pa siya kung anong klaseng bagay ito. Nilinis nila ito ng kaniyang ama at natuklasan nilang ito nga ay isang sinaunang mangkok o kainan ng mga Vikings.

Namangha ang mag-ama dahil sa detalye ng pagkakaukit sa mangkok na ito. Kung kaya naman nagdesisyon silang ipasuri ito sa Florida, USA. Ilang lokal na eksperto doon ang kanilang pinagtanungan at pinadalhan ng piraso ng mangkok na ito.

Makalipas ang ilang linggo ay ipinadala na sa kanila ang naging resulta kung saan kinumpirma ng mga siyentipiko na ito nga ay isang “wooden bowl” na mayroon nang edad na halos 800-1,000 years!

“I think it’s very cool. I didn’t think it was entirely from the Viking Age. Quite amazing that it is so old. It is almost difficult to explain how special this find is, says an archaeologist at Innlandet county municipality Mildri Een Eide.” Komento pa ni Briskerud.

Ayon pa sa ilang mga artikulo, mayroon nang ilang mga residenteng nakatagpo rin ng ganitong klase ng mga sinaunang bagay ngunit pira-piraso lamang ang mga ito. Ito raw ang unang beses na nakakita sila ng isang malaking mangkok na sobrang tanda na ng edad!

“So this one is very special. Considering the age, she says that we do not know of any other finds of this kind in Norway. We think it is most likely made from a ball of wood or a wooden knot found on many trees and hollowed out. We had to pinch ourselves a couple of times. We guessed the 18th century, but it turned out to be much older.” Dagdag pa ni Briskerud.