Isang video ng aso na nagdadalamhati sa pagkawala ng kaniyang anak, umantig sa puso ng publiko!

Ang pagkawala ng isa sa ating mga mahal sa buhay ay talaga namang napakasakit para sa atin. Hindi kayang ilarawan ng kahit ano mang salita ang sakit na ating nararamdaman sa mga panahong ito.

Tila ba hanggang sa ating mga kaluluwa ay damang-dama ang pighati at sakit nito. Sabi nga ng nakararami, hindi naman talaga nakaka-move on ang mga taong naulila ng mga namayapa na.

Bagkus ay nasasanay na lamang sila sa sakit at pighating nararamdaman nila sa pagpanaw ng kanilang mahal sa buhay. Kamakailan lamang ay umantig din sa puso ng publiko ang isang video na ito ng aso na talagang nagpapakita ng kaniyang pagdadalamhati dahil sa pagpanaw ng kaniyang anak.

Makikita ang isang malaking aso at sa tabi nito ay naroroon ang isa sa kaniyang mga anak. Ngunit sa harapan nila ay ang katawan ng wala nang buhay na aso.

Umantig ito sa puso ng maraming mga netizens. Marami din sa kanila ang nagbahagi ng kanilang mga komento at reaksyon. Hindi raw sana ito mangyayari kung naging maingat lamang ang mga tao sa kanilang pagmamaneho.

Hindi lamang daw tayong mga tao ang naninirahan sa mundong ito kung kaya naman dapat ay marunong din tayong maki-simpatya sa iba pang mga naninirahan dito tulad natin. Katulad ng mga tao ay may buhay at mayroon din namang pamilya ang mga hayop na ito.


Hindi man nila masabi ang sakit na kanilang nararamdaman ay tiyak na nasasaktan at nangungulila din naman sila sa pagkawala ng kanilang mga kaanak o kapamilya tulad natin. Kung kaya naman sa susunod na makakita tayo ng mga hayop na nasa lansangan, sana ay magkaroon din naman tayo kahit kaunting habag sa kanila.

Hindi dapat sila tinatakbuhan o hinahayaan na lamang lalo na sa mga sitwasyon na tulad nito na mayroong buhay na nawala dahil sa kapabayaan ng isang tao.