Isang US veteran na bigla na lamang bumagsak sa gitna ng marathon, hindi tumigil hangganga sa maabot niya ang finish line para sa mga nasawing kasamahan!

Kung inaakala natin na madali ang pinagdaraanan ng mga sundalo at kapulisan natin, tiyak na nagkakamali ang marami sa atin. Hindi biro ang mga bagay na kanilang pinagdaanan at pinagdaraanan.

Kahit pa nga batid nilang mahirap at matinding sakripisyo ang kakailanganin nila sa desisyon nilang ito ay hindi sila nagdalawang-isip na unahin ang kanilang mga sarili bagkus ay ang kanilang pangarap na makatulong sa bayan. Kamakailan lamang ay umantig sa puso ng publiko ang isang US veteran na ito na si Micah Herndo.

Siya ay 31 taong gulang pa lamang ngunit nakarating na siya at na-deploy na siya sa Iraq at Afghanistan. Nakaligtas din siya noong 2010 sa isang pagsabog sa kalagitnaan ng kaniyang service tour sa Afghanistan.

Muntikan na rin siyang masawi ng mga oras na iyon ngunit mapalad siyang nakaligtas. Sa kasamaang-palad ay hindi nakaligtas ang tatlo sa kaniyang mga kasamahan na sina Mark Juarez at Matthew Ballard, kapwa niya mga marines at si Rupert Hammer na isang British journalist.

Talagang hinding-hindi niya malilimutan ang pangyayaring ito sa kaniyang buhay. Kung kaya naman bilang pagpupugay sa kanilang tatlo ay nagdesisyon siyang sumabak sa isang marathon.


Ang pagsali sa mga ganitong kompetisyon ay hindi biro dahil kailangan mong maging handa at disiplinado sa lahat ng aspeto. Higit pa rito ay kailangan din ng mataas na mental endurance para sa mga nagnanais na lumahok.

Maaaring madali lang ito para sa ilang mga beteranong sundalo dahil bahagi naman talaga ito ng kanilang propesyon ngunit iba ang sitwasyon ni Micah dahil sa naging mahirap niyang karanasan noon. Kahit pa nga natumba siya sa kalagitnaan ng marathon ay sinikap pa rin niyang magpatuloy.

Talagang gumapang siya suot ang kaniyang running shoes na mayroong golden nameplates ng mga nasawi niyang kasamahan. Makalipas ang mahigit tatlong oras ay nagawa rin niyang matapos ang naturang marathon.