Isang US-based Mongolian ang nakasungkit ng world record sa pagkakaroon ng ikalawang pinakamahabang binti sa buong mundo!

Isang Mongolian woman na nakatira ngayon sa Estados Unidos ang kinikilala bilang ikalawang indibidwal na mayroong pinakamahabang binti sa buong mundo! Ngunit hindi ito opisyal dahil isa lamang ang maaaring itala sa Guinness World Records. Noon pa man marami nang mga nakakamanghang bagay ang ating nasasaksihan at natutuklasan bawat araw.

Talaga namang hindi na nakapagtataka na magkaroon tayo ng ganitong klase ng karanasan dahil sa napakarami naman talagang nagaganap sa ating paligid nang hindi natin namamalayan. Marahil isa na sa pinakasikat o pinakilala sa buong mundo ang Guinness World Records kung saan nakakatuklas tayo ng mga pambihirang indibidwal bawat taon.

Tulad na lamang halimbawa ng teenager na ito mula sa Austin, Texas. Siya ay nakilala bilang si Maci Curran na mayroong 134.62 cm na sukat ng kaniyang binti.

Siya ang may hawal ngayon ng world record! Sumunod sa kaniya anga 29 na taong gulang na Rentsenkhorloo Bud na mayroon namang sukat na 134.5 cm ang mga binti. Napakaliit lamang ng pagitan nilang dalawa ngunit mas pinalad pa rin si Curran na masungkit ang world record.

Si Rentsenkhorloo o mas kilala sa palayaw niyang si Ren ay mula pa sa Mongolia ngunit nakabase na ngayon sa Chicago, US.

“Good things come in TALL packages,” Pahayag ni Ren.


Naalala pa raw ni Ren noon ang kaniyang “awkward feeling” patungkol sa pagiging matangkad niya ngunit kalaunan ay natanggap na rin niya ito dahil wala rin naman daw siyang magagawa pa.

“When I was younger, I felt so bad because of my height. Some people made me feel uncomfortable, but nowadays it seems like I’m seen more as unique, so that’s why I feel so good,” dagdag pa ni Ren.

Isa sa pinakamahirap para kay Ren ay ang paghahanap ng maayos na damit para sa kaniya. Maging sa sapatos ay hirap din siyang makahanap ng kaniyang size dahil US 13 ang sukat nito ngunit wala nito sa Asya, Mongolia, at kahit sa Korea.