Isang unggoy ang bigla na lamang tumawag sa 911 na agad din namang nirespondehan ng mga otoridad!

Noon pa man ay marami na sa atin ang naililigtas dahil sa mga tawag na natatanggap ng otoridad. Talagang sinisikap nilang makarating sa oras at makaresponde sa mga tawag na ito.

Sa paglipas ng panahon, kahit pa nga laganap na ang internet at social media ay marami pa ring mga tao ang nakahihingi ng tulong dahil sa mga tawag na ito. Kamakailan lamang, isang misteryosong tawag ang natanggap ng otoridad na agad din naman nilang nirespondehan.

Dali-daling rumesponde ang mga pulis sa California matapos silang makatanggap ng 911 call. Agad na nagpadala ang mga dispatcher ng mga pulis na mag-iimbestiga sana sa isang emergency call Sabado ng gabi ngunit agad din naman itong naputol.

Sinikap namang matunton ng mga sheriff sa San Luis Obispo County ang lugar kung saan ginawa ang tawag. Natuklasan nila na ang tawag pala ay nagmula sa “Zoo to You” na isang “conservation park” na 200 miles (320 kilometers) north sa Los Angeles.

Nang magtungo sila rito ay wala namang kahit sino ang nangangailangan ng tulong nila. Dahil sa determinado silang malaman ang kasagutan sa misteryong ito ay ipinagpatuloy pa rin nila ang imbestigasyon nila.

“Then they all realized… it must have been Route the Capuchin monkey,” pagbabahagi ng kanilang opisina sa isang social media post.
“Apparently, Route had picked up the zoo’s cell phone… which was in the zoo’s golf cart… which is used to travel around the zoo’s 40 acre site. And that’s what Route did… just so happened it was in the right combination of numbers to call us.” Dagdag pa nila.

Ang mga “Capuchin” ay isa sa mga matatalinong hayop sa zoo na madalas na binubusisi ang mga bagay na kanilang napupulot. Tunay ngang nakakamanghang malaman na kaya pala ng ibang mga hayop na gawin ito. Buti na lamang at maagap rumesponde ang mga otoridad upang kung sakaling tao talaga ang nasa kapahamakan at agad nilang maililigtas.