Isang tuta ang talagang kinagiliwan ng publiko matapos itong umarte at magpakita kung paano nga ba ang humingi ng pagkain sa ilang mga tinder ng pagkain!

Hindi na bago sa atin ang makakita ng mga kawawa at inabandonang hayop sa lansangan o sa bangketa. Talagang madalas ay namamayat sila at talagang napabayaan na.

Nakakalungkot man ngunit ito na ang reyalidad lalo na sa panahon natin ngayon. Madalas sa mga hayop na ito ay naghihintay na lamang sa isang tabi para sa mga taong magbibigay sa kanila ng mga pagkain.

Dahil dito ay mas marami nang mga pribadong organisasyon ngayon ang nabubuo upang mapangalagaan at maprotektahan ang mga kawawang hayop na ito. Kung madalas ay kalunos-lunos na sitwasyon ng mga hayop ang ating nababalitaan, mayroon din palang nakakamanghang video tulad nito.

Para kasi sa isang tuta na ito, mas nais niyang kuhanin ang atensyon ng mga tindero ng pagkain upang bigyan siya ng makakain kaysa maghintay na lamang siya sa isang sulok. Sa ilang mga kumakalat na video ay mapapansin ang tuta na ito na tila namili pa ng gusto niyang pagkain at doon ay nagpa-cute sa mga tindero roon.

Ngunit tila masyadong abala ang tindero sa mga kausap niyang mamimili. Maya-maya pa ay nakaisip ang matalinong tuta na ito ng paraan kung paano niya makukuha ang atensyon ng tindero.

Tumayo ito gamit ang kaniyang dalawang paa na tila ba nagpapakitang-gilas sa mga taong naroroon lalo na sa tindero. Madalas nating makita ang ilang mga pusa sa ganitong posisyon ngunit sa pagkakataon na ito ay isang tuta ang tila nagmamakaawa sa tindero na bigyan siya ng pagkain.

Epektibo naman ang kaniyang ginawa at binigyan siya ng tindero ng makakain. Halata naman sa cute na tutang ito ang labis na kasiyahan dahil sa wakas ay matitikman na rin niya ang pagkain na nais niyang kainin.

Tunay nga na napakarami pa ring magagandang bagay ang nangyayari sa ating paligid. Matuto lamang tayong maging positibo sa buhay sa kabila ng maraming pagsubok sa ating buhay sa araw-araw.