Isang toilet bowl ang nawasak nang husto matapos tamaan ng kidlat sa Amerika!

Sa panahon natin ngayon, talagang napakarami nang bagay ang pinagkakaabalahan natin. Maaaring abala tayo sa ating mga trabaho, negosyo, pamilya, at marami pang mga bagay at madalas ay hindi na natin napapansin ang maraming mga bagay sa ating paligid. Nitong mga nagdaang taon, dahil na rin sa nangyaring pandemya na naranasan ng maraming mga tao sa iba’t-ibang panig ng mundo, mas marami ang talagang nagkaroon ng pagpapahalaga sa kanilang sariling kalusugan at pangangatawan.

Marami ang nagsimula nang mag-ehersisyo at kumain ng masusustansiyang pagkain. Habang ang iilan naman ay umiinom na rin ng mga bitamina at iba pang gamot na makatutulong sa kanilang pagpapalakas.

Nakakalungkot lamang isipin na marami pa rin ang nagkasakit at nawalan ng buhay dahil sa pandemyang ito. Maliban rito ay marami ding mga pangyayari tulad na lamang ng sakuna at kalamidad ang nagaganap din sa atin sa araw-araw.

Ito ang mga pangyayaring hindi talaga natin maiiwasan kahit ano pang gawin nating paghahanda. Tulad na lamang halimbawa ng naganap na ito sa Okmulgee City, Oklahoma state sa Amerika kung saan nawasak ng husto ang isang toilet bowl matapos itong makidlatan.

Marami ang nabahala dahil kahit pa nga nasa loob ng bahay ang naturang toilet bowl ay makikita kung gaano kalaki ng pinsala ang nangyari. Kadalasang kasi na ang mga tinatamaan ng kidlat ay mga matataas na puno o di kaya naman ay poste.


Buti na lamang ay wala pang tao sa pinangyarihan ng insidente dahil abandonado na ang lugar na ito. Kung sakaling mayroong taong gumagamit ng toilet bowl na ito nang mangyari ang insidente ay tiyak na malalagay sa matinding panganib.

Umani din naman ito ng maraming komento at reaksyon ang pangyayaring ito online. Maraming mga netizens ang nagsasabing dapat na mas maging maingat tayo sa ngayon dahil hindi natin batid ang mga bagay na maaari pang mangyari sa hinaharap.