Isang taong gulang na bata, nag-donate ng kaniyang organs sa dalawang sanggol at isang adult na pasyente!

Napakasakit sa isang magulang ang makitang nahihirapan ang kaniyang anak. Talaga namang hindi matatawaran ang pagmamahal ng mga magulang.

Sa tuwing may sakit nga ang mga anak ay kulang na lamang na kuhanin na ng mga magulang ang sakit ng anak upang hindi na ito mahirapan pa. Ngunit paano kaya kung ang mga magulang mismo ang magdedesisyon na tuluyan nang i-let go ang kanilang anak na idineklara nang brain-d3ad ng ospital?

Ito ang kwentong umantig at talagang kumurot sa puso ng maraming mga netizens. Nobyembre 2021 nang magkaroon ng isang matinding banggaan sa California kung saan talagang napinsala ang pamilya Sanchez.

Tatlo ang nasawi at isa naman ang kanilang bunsong anak na si Leopauld o Lexus Sanchez sa labis na napinsala. Malaki ang pinsalang natamo ng kanilang anak na si Leopauld, nagtamo ito ng matinding brain injuries.

Ayon sa ilang mga ulat ay natanggal ang kaniyang bungo sa kaniya mismong gulugod. Matapos niyang sumailalim sa isang operasyon ay nagpakita naman ito ng magandang resulta nang ilang araw.

Ngunit unti-unti ring sumuko ang kaniyang batang bata pang katawan. Ilang pagsusuri pa ang isinagawa ng ospital ngunit isa lamang ang resulta ng mga ito “brain-d3ad” na ang bata.


Kung kaya naman Enero 18, 2022 ay nagdesisyon na ang kaniyang mga magulang na palayain na ang kanilang anak at huwag nang pahirapan pa. Ang ilang organs ni Leopauld ay na-i-donate nila sa dalawang sanggol at isang adult na pasyente.

Ang ama naman niya na isang navy ay sumaludo sa kaniya at sinabing:


“You did a good job, son. I’m proud of you. You’re a hero.”

Tunay nga na ang pighati at sakit na nararamdaman ng kaniyang mga magulang ay hindi na mapapawi kailan man. Masasanay na lamang sila sa ganitong pakiramdam dahil ano man ang mangyari at ilang taon man ang lumipas, tiyak na hindi mawawala sa kanilang mga ala-ala ang maikling buhay ng kanilang anak.

Credit: GMA NEWS