Isang talentadong baboy na nakilala bilang si Pigcasso, nakabenta ng kaniyang artwork sa halagang £20,000 o mahigit 1.3 milyong piso!

Marami ang nagulat nang mabalita ang isang baboy na ito na nagngangalang Pigcasso na nakabenta ng halagang 1.3 milyong piso sa pinakabago niyang artwork. Pinamagatan itong “Wild and Free” na talaga namang kamangha-mangha kapag iyong nakita.

Hindi na nakapagtataka na magkaroon ng interes dito ang isang German buyer na nakilala bilang si Peter Esser. Ang artwork na ito ay mayroong blue, green at white acrylic streaks.

Ilang linggo din ang nakalipas bago ito matapos ni Pigcasso. Ilang mga magagandang artwork na rin ang kaniyang nagawa nang lumipas na limang taon matapos siyang mailigtas ng kaniyang owner na si Joanne Lefson.

Sila ay naninirahan sa Farm Sanctuary SA na isang ligtas na lugar para sa mga hayop na nailigtas mula sa Franschhoek Valley sa South Africa.

“I wanted to have Pigcasso create something that had never be done before. An oversize, larger-than-life canvas that could challenge the intrinsic value of an artwork created by an animal.” Pahayag ni Lefson.

“There was significant interest in the piece. It’s not just a visually striking and beautiful painting it’s a profound moment for Pigcasso, and for farm animals. You can’t look at it and not place greater value on their intelligence, individual and creativity.” Dagdag pa niya.

Ibinahagi din ni Lefson na bata pa lamang si Pigcasso ay talagang mahilig na ito sa mga paint brush at pagpipinta. Nang mayroon kasi siyang naiwan na lumang mga paint brush noon sa kanilang bahay ay agad itong kinuha ni Pigcasso at pinaglaruan.

Kung kaya naman nagdesisyon siyang suportahan ang nais ng kaniyang alaga. Ngayon kahit na 1,500lbs ang bigat nito ay patuloy pa rin ito sa pagpipinta. Halos nakagawa na siya ng higit sa 400 mga paintings.

Noong 2005 ay mayroong isang Chimp sa Congo na nakapagbenta ng kaniyang artwork sa halagang £14,000 o mahigit 900,000 pesos!