Isang stay-in na kasambahay, nagsumikap sa trabaho at nakapag-ipon ng sapat na pera para sa kaniyang dream house!

Madami sa atin ngayon ang talagang hindi na natatakot na magtrabaho sa ibang bansa. Marahil ay dahil na rin sa pagnanais natin na magkaroon ng mas mabilis ng pag-asenso.

Sa Pilipinas kasi, kahit gaano pagsusumikap at pagtitiyaga ang ating gawin ay talagang hindi tayo makapagpundar ng mga bagay na pinapangarap natin. Halimbawa na lamang ay negosyo, sasakyan, at bahay.

Kamakailan lamang ay marami ang labis na namangha nang mabalitaan ang isang kasambahay na ito na nagawang makapag-impok ng malaking halaga ng salapi na ginamit naman niyang pangpundar ng kaniyang pangarap na bahay. Ang netizen na nagbahagi ng tagumpay niyang ito ay nakilala bilang si Jjs Tapales.

Ibinahagi din ni Chinkee Tan ang kaniyang kwento sa kaniyang social media page. Marami daw natutunan ang kasambahay sa mga libro ni Tan at mga video nito patungkol sa pagtitipid at pag-iipon ng pera.

Disyembre nang sa wakas ay makabili na ng mga materyales si Tapales. Maliban sa ginawa niyang pagtitipid para sa kanilang dream house ay hindi rin niya nakaligtaan na magpadala ng pera para sa gamot ng kaniyang ina na mayroong karamdaman at food allowance ng kaniyang pamilya.


Ngunit sa kabila ng magandang pangyayaring ito ay hindi inaasahan ang paghagupit ni bagyong Odette sa kanilang lugar dahilan upang masira ang ipinapatayo nilang bahay bago pa man ito makumpleto. Maging ang mga sako ng semento at iba pang mga materyales ay nasira din ng bagyo.

Laking pasasalamat na lamang nila dahil walang nasaktan o nasawi sa kanilang pamilya. Ibinahagi din niya ang kaniyang naging “savings plan”, mayroon siyang #dayoffpay, #holidayspay, #tips, #loadsavings, #invisible 50s – 200s, #coins, #CHRISTmasBonus, #13monthpaychallenge, at #GoldInvestment.

Talaga namang matinding pagsusumikap at pagtitiyaga ang kakailanganin upang maisakatuparan ang ating mga pangarap. Huwag na huwag tayong magsasawa na gawin ang lahat sa abot ng ating makakaya dahil darating din naman ang panahon na aanihin din natin ang lahat ng ito.