Isang siyam na taong gulang na batang may sakit na kanser, pinilit na makaligtas sa kaniyang karamdaman upang masilayan ang kaniyang kapatid na bagong silang!

Marami ang talagang naging emosyonal at naantig sa kwento na ito ng siyam na taong gulang na si Bailey Cooper mula sa South Gloucestershire, England. Siya ay mayroong “end-stage canc3r” at talagang tinapat na sila ng mga doktor na maaaring hindi na niya abutan pa ang pagsilang sa kaniyang babaeng kapatid.

Ilang araw o ilang linggo na lamang daw ang itatagal ni Bailey ayon sa kaniyang mga doktor dahil kumalat na raw nang husto ang kaniyang sakit sa buong katawan niya. Ngunit sa kabila ng mga sinabing ito ng doktor ay talagang nagawa ni Bailey na labanan ang kaniyang karamdaman at nasilayan pa nga niya ang kaniyang kapatid.

Nagawa pa niyang mabuhay ng 15 buwan matapos matuklasan na siya ay mayroon palang “Non-Hodgkin lymphoma”. Taong 2016 nang malaman ito ng buong pamilya ni Bailey na noong una ay inakala nilang “chest infection” lamang.

Nang makaranas ng pananakit ng tiyan si Bailey ay agad nilang ipinasuri ang kaniyang dugo kung saan nga nila nalaman na mayroon siyang malalang karamdaman. Ginawa naman ng pamilya ni Bailey ang lahat mula sa “chemotherapy” na mayroong “steroid medication”, ngunit wala ring nangyari.

Nasa 70 porsiyento na lamang daw ang kaniyang tyansang mabuhay nang mga panahong iyon. Sa mga panahong ito ay hindi iniwanan ng kaniyang pamilya si Bailey lalong-lalo na ang nakababata niyang kapatid na lalaki na si Riley na palaging kasama ni Bailey sa ospital – kalaro nito at kausap.


Si Bailey na rin mismo ang nagpangalan sa kaniyang bagong silang na kapatid na si Millie. Bago siya tuluyang mawalan ng hininga ay sinabihan pa niya ang kaniyang mga magulang na 20 minuto lamang sila maaaring umiyak kapag nawala na siya.

“We have to carry on for Bailey. He told us in our last family meeting: ‘You’re only allowed to cry for 20 minutes. You have to take care of Riley and Millie.” Pahayag ng kaniyang nanay na si Rachel.