Isang siyam na taong gulang na anak, pinayuhang mamahinga muna ang kaniyang ina habang inaalagaan ang kaniyang kapatid at nagluluto ng hapunan!

Madalas na hindi natin nakikita at hindi napapahalagahan ang ating mga magulang. Sa lahat ng sakripisyo at paghihirap nila para sa atin, dapat sana ay gumagawa man lamang tayo ng paraan upang sila ay matulungan.

Marami kasing anak ngayon na mas pinapahirapan pa ang kanilang mga magulang sa halip na tulungan ang mga ito. Kahit sa mga maliliit at simpleng mga bagay ay tiyak na malaking pasasalamat na ito para sa kanila.

Tulad na lamang ng isang 9 na taong gulang na batang babae na ito na matapos gawin ang kaniyang mga aralin ay nagkusang-loob na alagaan ang nakababata niyang kapatid.

Pinayuhan niya rin ang kaniyang ina na isang single mom na mgpahinga na muna dahil batid nitong pagod na pagod na rin ang kaniyang magulang sa maghapong trabaho.

Hindi lamang dito nagtatapos ang kaniyang pagmamalasakit sa kaniyang ina dahil sa nagluto rin ito ng kanilang pagkain para sa hapunan habang karga ang kaniyang kapatid. Labis na naantig ang puso ng ina dahil sa ginawang ito ng kaniyang anak.

Nais niya sanang tulungan ang kaniyang anak sa niluluto nito ngunit sinabihan siyang muli ng kaniyang anak na huwag nang tumulong pa at mamahinga na muna. Agad namang niya itong pinagbigyan sa kaniyang nais habang pinagmamasdan ang kaniyang mga anak.

Wala din namang karekla-reklamo ang anak niyang si Erbao habang nasa likod ito ng kaiyang ate na si Dabao. Tunay nga na mayroon pa rin pa lang mga anak na nagbibigay ng halaga sa kanilang mga magulang.

Hindi naman natin kailangan pang bumili ng mamahaling regalo para lamang maipakita natin sa isang tao kung gaano natin siya kamahal, sapat na ang pagmamahal at pagmamalasakit natin para sa kanila. Labis labis ang pasasalamat ng ina dahil mayroon siyang responsable at mabuting anak.

Para sa mga kabataan, napakagandang inspirasyon ito para sa magandang relasyon nila sa kanilang mga magulang.