Isang single mom, nag-ipon ng husto at talagang nagpakaganda pagkatapos siyang laitin ng pamilya ng dati niyang nobyo dahil sa panget niyang hitsura!

Noon pa man, ang pagkakaroon ng magandang hitsura ay isa na sa pangarap ng maraming mga kababaihan. Hindi lamang dahil sa magkakaroon sila ng mas maraming oportunidad sa trabaho kundi maging sa kanilang “lovelife” o personal na buhay ay talagang makakatulong ito ng malaki.

Kapag kasi maganda ka, mas maraming kompanya at trabaho ang tiyak na mapapasukan mo. Marami ding mga lalaki ang pipila at magkakandarapa sa iyo na manligaw. Ngunit para sa isang 28-anyos na babaeng ito mula sa Ho Chi Minh, Vietnam na nakilala bilang si Huyen, wala namang kaso sa kaniya ang kaniyang panlabas na anyo.

Ngunit nang maranas niya ang panglalait sa kaniya ng pamilya ng kaniyang nobyo ay talagang nakaranas siya ng matinding depresyon. Matagal na rin silang magkarelasyon ng kaniyang nobyo ngunit tutol ang pamilya nitong maikasal sila.

Ito ay dahil sa kaniyang hitsura. Kahit pa nga nakatira na sila sa iisang bubong at mayroon na rin silang anak, talagang ayaw pa rin pumayag ng pamilya ng lalaki na sila ay maikasal. Hindi nagtagal at iniwanan din siya ng kaniyang nobyo dahil na rin sa udyok ng pamilya nito.


Labis siyang nalungkot at hindi alam ang gagawin lalo na at naiwan sa kaniya ang kanilang anak. Sa halip na magmukmok at sumuko na lamang sa buhay ay talagang bumangon siyang muli at nagpakatatag.

Nagtrabaho siya ng husto upang makaipon ng pamgastos para sa kaniyang plastic surgery. Samantalang ang kaniyang anak ay iniiwanan niya muna sa kaniyang mga magulang at umuuwi siya tuwing Sabado at Linggo. Tatlong taon ang lumipas at nakapag-ipon siya ng 100,000,000 Dongs o halos Php224,579.

“Since I wasn’t in the best financial situation, I had to start working without much rest after the surgeries. On the third day after my chest augmentation procedure, I had to endure the pain and go to work. That was the most painful time in my life,” Pahayag ni Huyen.

Ngayon ay hindi na siya makilala ng kaniyang dating nobyo dahil sa pambihira niyang kagandahan. Mas naging kompiyansa na rin siya sa kaniyang sarili kumpara noon kung kaya naman talagang masayang-masaya siya sa naging magandang resulta ng kaniyang desisyon.