Isang sanggol na isinilang nang 23 weeks lamang, nakaligtas dahil na rin sa pagtanggi ng kaniyang mga magulang na patayin ang kaniyang life support!

Biyaya at napakagandang pagpapala mula sa Diyos ang mga sanggol. Tunay namang hindi madali ang pagkakaroon ng ganitong klase ng responsabilidad.

Isang responsibilidad na panghabang-buhay na dahil kailan man ay hindi na mawawala o matatapos ang pagiging isang magulang. Bilang mga magulang, gampanin natin siguraduhing ligtas at malusog ang ating mga anak sa oras pa lamang na nagdalang-tao na ang ina hanggang sa makapanganak ito at maging sa pagpapalaki ng bata.

Katuwang din naman ng ina ang ama ng bata sa pagganap sa mga responsibilidad na ito. Hindi madali at talagang hindi matatawaran ang sakripisyo ng ating mga magulang kung kaya naman gayun na lamang din ang pagrespeto, pagmamahal at paggalang natin sa kanila.

Kamakailan lamang isa na namang kwento ng mga magulang ang kumurot sa puso ng publiko. Ito ay patungkol sa mga magulang ng isang sanggol sa England na kahit pa nga 23 weeks pa lamang at ipinanganak ng premature ay hindi hinayaan ng mga magulang na mapahamak ang kanilang anak.

Kahit mahirap na desisyon ay talagang hindi nila hinayaang matanggalan ng life support ang kanilang munting sanggol kahit na dalawang beses na silang tinatanong ng doktor ng sanggol. Para kasi sa mga magulang ni Chay Jefferys, napakahalaga ng kanilang sanggol kung kaya naman handa silang gawin ang lahat para sa kaniya.

Isang pulgada lamang ang timbang nito nang siya ay ipinangak noong Hunyo 2, 2021 at halos siyam na buwan din siyang nakipaglaban upang mabuhay dahil na rin sa kaniyang chronic lung dis3ase. Hindi talaga pumayag ang kaniyang mga magulang lalo na ang kaniyang ina na si Meghan Mcgee, 19-anyos na bumitaw sa kanilang anak.

Hindi rin niya akalain na mararanasan nila ang pangyayaring ito dahil wala naman daw siyang ibang naging problema noong siya ay nagbubuntis kundi ang kaniyang impeksyon sa ngipin. Laking pasasalamat ng mga magulang ni Baby Chay dahil sa naging malakas din ang sanggol at ngayon ay unti-unti pa ring nagpapalakas at nagpapagaling.