Isang sampung taong gulang na bata ang nagluluto, naglilinis ng kanilang bahay, at nag-aalaga ng kaniyang mga kapatid matapos pumanaw ng kanilang ama at layasan sila ng kanilang ina!

Umantig sa puso ng publiko ang kwentong ito ng isang batang babae mula sa isang maliit na nayon sa Nantang. Ilang taon pa lamang ang nakalilipas nang pumanaw dahil sa sakit na kanser ang ama ng batang ito habang ang kanilang ina naman ay lumayas at iniwan silang magkakapatid.

Mula noon ay talagang sinikap na ni Xiao Ying, panganay sa tatlong magkakapatid na asikasuhin ang kaniyang mga kapatid. Mulat man sa kahirapan ang magkakapatid ay naging mahirap na hamon pa rin para sa magkakapatid ang kanilang kalagayan.

Siya na mismo ang nag-aalaga sa kaniyang dalawang nakababatang kapatid. Kahit pa gaano kahirap ang buhay nila ay hindi kayang ipaampon ni Xiao Ying ang kaniyang mga kapatid.

Sa umaga pa lamang pagkagising nila ay lumalabas na silang tatlo at tinuturuan na niya ang dalawang kapatid niya na magsipilyo ng kanilang mga ngipin. Matapos nito ay nagtutungo na sila sa eskwelahan kung saan kasama naman nilang tatlo ang alagang aso ng kanilang tito.

Dahil wala na silang mga magulang ay tito na lamang nila ang tumitingin-tingin sa kanilang magkakapatid. Buti na lamang at pagpasok nila sa ekswela ay maaari silang makakain ng lugaw at tinapay.

Sa tuwing si Xiao Ying ang nakaduty ay madalas na itinatabi niya ang kaniyang tinapay para sa kaniyang mga kapatid. Siya rin ang nagiging gabay ng kaniyang mga kamag-aral sa tuwing mayroon silang reading exercises.

Kayang kaya din niyang magsalok ng tubig sa balon nang mag-isa. At pagkatapos sa eskwela ay uuwi naman siya para ihanda ang kanilang hapunan at alagaan ang kaniyang mga kapatid.

Pagkatapos nito ay pupunta na sila sa bahay ng kanilang tito kung saan naman sila matutulog. Maging sa pagsasaing at pagluluto ng kanilang gulay na ulam ay bihasang-bihasa na rin si Xiao Ying.

Napakadalang nilang kumain ng karne. Minsan ay binibigyan din sila ng pagkain ng kanilang ito at mga kapitbahay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *