Isang Pinay OFW na pinagtaksilan ng kaniyang asawa at sumama sa ibang babae, hindi na makilala ngayon dahil sa naging pagbabago nito!

Ang pakikipagrelasyon sa panahon natin ngayon ay talagang ibang-iba na kumpara sa pakikipagrelasyon noon ng ating mga lolo at lola. Talaga namang napakalaki na rin ng pinagbago ng mga kultura at tradisyon natin noon.

Ngunit kahit papaano ay marami pa rin namang nagsisikap na ipagpatuloy ang ilan sa mga tradisyong ito na unti-unti nang niluluma ng panahon. Kung noon ay talagang mahirap ang panliligaw sa isang dalagang Pilipina, ngayon ay talagang naging madali na lamang ito dahil na rin sa modernong teknolohiya at kagamitan na mayroon tayo.

Ngunit noon man o ngayon, ang mga manloloko ay talagang hindi pa rin nawawala. Talagang umantig sa puso ng marami ang kwento na ito ng isang OFW na Pilipina na iniwanan ng kaniyang asawa at sumama sa ibang babae.

Ito ay kahit pa nga mayroon na silang pitong mga anak! Ayon sa naging pagsasalaysay ni Michelle Valenzuela, sinisi niya talaga noon ang kaniyang sarili dahil sa nangyari.

Marahil daw ay hindi na niya naalagaan ang kaniyang sarili at pangangatawan para sa kaniyang mister dahil abalang-abala siya sa pag-aasikaso ng kanilang mga anak. Dahil sa naging single mom kaagad si Michelle ay nagdesisyon itong mangibang-bansa muna at dito ay magsumikap magtrabaho para sa kaniyang mga anak.

Unti-unti ay muli siyang nakabangon at napansin ng kaniyang mga kamag-anak kung gaano siya nagbago mula nang magkaroon siya ng pagkakataong maalagaan ang kaniyang sarili. Kung noon ay maitim na maitim at payat na payat si Michelle, ngayon ay aakalain mong isa na siyang modelo dahil sa angking kaseksihan at kagandahan nito.


Naging makinis at maputi ang kaniyang balat at talagang nag-uumapaw ang kaniyang kagandahan. Marami naman ang natuwa dahil sa wakas ay muling naitayo ni Michelle ang kaniyang sarili sa kabila ng mga masasakit niyang pinagdaanan.

Sa ngayon ay nakakatulong na rin siya sa kaniyang pamilya sa Pilipinas na siya namang nag-aalaga sa kaniyang mga anak.