Isang Pinay ang hindi tinanggap ng isang exclusive school dahil sa mas mataas pa daw ang IQ nito kaysa kay Einstein!

Si Mia Golosino ay isang 11 taong gulang na Pinay na nakatira sa United Kingdom. Kumuha siya ng entrance exam sa Aylesbury High grammar school ngunit pagkatapos niyang kumuha ng private exam na ito ay nakatanggap na lamang siya ng isang rejection letter kung saan nakasaad na hindi niya maaaring tanggapin ng paaralan dahil sa “over-subscription”.

Kung kaya naman nagdesisyon ang kaniyang mga magulang na sina Jose at Mary Golosino na siya ay sumailalim sa Mensa IQ test upang matulungan ang naturang exclusive school sa kanilang desisyon. Ito rin kasi ang eskwelahang gustong pasukan ng kanilang anak.

Makalipas ang ilang linggong paglalaro ng Mensa apps sa loob ng 15 minuto kada araw ay handa nang mag-exam si Mia. Inaasahan na ng buong pamilya ang maganda resulta ng exam niyang ito ngunit hindi nila inaasahan na makakatanggap sila ng sulat kung saan nakasaad na ang kaniyang IQ ay 162!

Talagang nakakagulat at sobrang nakakamangha ito dahil ang mga kilalang theoretical physicists na sina Stephen Hawking at Albert Einstein ay kapwa mayroong 160 na IQ.

“We could not believe our eyes upon seeing the invitation letter. She just needed one of the results within top 2 per cent to become a member of British Mensa,” Pahayag ni Jose.
Marami ang nag-akala na pipiliin pa rin nilang makapasok sa exclusive school na unang ginusto ng kanilang anak ngunit nagdesisyon na rin silang sa Royal Latin School sa Buckingham na papasukin ang napakatalino nilang anak!

“We now think that this is the best school for her to go to,” Pagsasalaysay ng ama ni Mia.

“We were waiting for a prospectus to arrive the day that the Mensa test results came through the post. She really wants to go to an all-girls school because she is big on girl power and didn’t want to be outsmarted by boys, but I think that this has really helped her confidence.” Dagdag pa ng kaniyang inang si Mary.