Isang pilotong ama, iniwanan ang pinagtatrabahuhang kompanya sa loob ng 40 taon, para makasama ang 2 anak niya sa kalabang airline!

Walang ibang nais ang mga magulang kundi ang ikabubuti ng kanilang mga anak. Marami sa atin ang talagang nagagalit sa ating mga magulang noong ating kabataan dahil pakiramdam natin ay kontrabida sila sa lahat ng mga bagay na gusto natin noon.

Ngunit sa ngayon ay talagang marami na sa atin ang naranasan na ding maging mga magulang kung kaya naman batid na natin ang tunay nilang intensyon at nararamdaman noon. Marami ang natuwa sa kwento ng isang amang piloto na ito na hindi alintana ang anuman basta’t matupad lamang niya ang kaniyang pangarap na makasama ang kaniyang mga anak sa trabaho.

Tulad kasi niya ay naging mga piloto na rin ang kaniyang mga anak. Masayang masaya din naman ang kaniyang mga anak at ang isa pa nga sa kanila na si Safia ay talagang ibinahagi sa publiko ang kanilang nakakatuwang kwento.

Sa halos 40 taon niya sa kaniyang kompanya ay tiyak na mayroon na siyang malaking retirement benefit. Ngunit isinantabi niya ito upang makasama niya sa pagpapalipad ng eroplano ang kaniyang mga anak.

Hindi naman ito naging imposible dahil hindi naging hadlang ang kompanya na pinagtatrabahuhan ng kaniyang mga anak upang magkasama-sama. Mula sa pagiging isang senior pilot ay naging isang junior pilot muli ang ama.

Hindi ito ikinasama ng kaniyang loob bagkus ay nasasabik pa siyang maranasan ang mga bagay na mararanasan niya sa bago niyang trabaho. Sa panahon natin ngayon ay mayroon talagang retirement age na 65 taong gulang ang mga piloto.

Ito ay upang masiguro ang pagiging “mentally” at “physically” stable ng mga piloto para na rin sa kaligtasan ng kanilang mga pasahero. Tunay nga na nagsilbi itong inspirasyon sa maraming mga Pilipino.

Dahil maaari din palang hindi mahalaga ang pera o materyal na bagay bagkus ay mas importante ang mga maiiwanang alaala at karanasan sa ating mga puso at isipan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *