Isang Pilipina na naninirahan sa Amerika, ipinasilip sa publiko ang napakaganda niyang “motor home” na mayroon pang living area!

Ang paninirahan sa ibang bansa ay talagang hindi madali para sa marami sa atin lalo na at namulat na tayo sa mga kaugaliang Pilipino. Simple at talagang komportable ang paninirahan dito sa Pilipinas.

Sa katunayan, kahit mga dayuhang turista ay nagnanais ding dito na magretiro hindi lamang dahil sa murang mga bilihin kundi dahil na rin sa napakagandang kapaligiran. Ngunit mayroon din namang iilan sa ating mga kababayan ang nangangarap na manirahan sa ibang bansa.

Tulad na lamang ng natupad na pangarap ni Marites o mas kilala sa palayaw niyang Marie o Tess. Mayroon na ring ilang milyong views ang kaniyang vlog patungkol sa kaniyang motor home.

Siya at ang kaniyang pamilya ay talaga namang mahilig magbiyahe kung saan saan at madalas silang lulan ng magara nilang sasakyan na ito. Hindi biro ang bumili at magpagawa ng ganitong klase ng sasakyan ngunit naipundar ito ni Marites sa tulong na rin ng kaniyang asawa.

Ipinasilip niya sa publiko ang magara at malaki nilang motor home na mayroon pa ngang sariling living area. Sa bungad pa lamang ay mayroon nang dalawang sasakyan kung saan siya nakaupo habang ang isa naman ay sa kaniyang mister na siyang nagmamaneho sa tuwing sila ay aalis.


Hindi rin mawawala ang telebisyon kung saan sila madalas na nanunuod na mag-anak. Ang kanilang living area ay mayroong ding sofa na maaaring gawing tulugan.

Mahalaga din ang kanilang lababo, lutuan, oven, stove, coffee maker at ref. Kasya naman ang apat na katao sa kanilang “dinette” kung saan komportable silang nakakakain.

Maaari din naman itong gawing tulugan kung kinakailangan. Mayroon din silang sariling paliguan dito ay lagayan ng kanilang mga gamit at mga damit.

Hindi rin mawawala ang maraming pinto o dibisyon sa kanilang motor home dahil gusto din nilang maging pribado ito. Kasyang-kasya naman ang queen size bed sa kanilang kwartong mag-asawa sa loob pa rin ng kanilang motor home.

Talaga namang nakakamangha at napakagandang tingnan ng motor home na ito nina Marites.